Inilabas na ng Malacañang nitong Huwebes, Oktubre 31, ang Proclamation 727 na nagdedeklara ng regular holidays at special (non-working) days para sa taong 2025.
Narito ang listahan ng mga holiday para sa susunod na taon:
REGULAR HOLIDAYS:
January 1 (Miyerkules) – New Year’s Day
April 9 (Miyerkules) – Araw ng Kagitingan
April 17 (Huwebes) – Maundy Thursday
April 18 (Biyernes) – Good Friday
May 1 (Huwebes) – Labor Day
June 12 (Huwebes) – Independence Day
August 25 (Huling Lunes ng Agosto) – National Heroes Day
November 30 (Linggo) – Bonifacio Day
December 25 (Huwebes) – Christmas Day
December 30 (Martes) – Rizal Day
SPECIAL NON-WORKING DAYS:
August 21 (Huwebes) – Ninoy Aquino Day
November 1 (Sabado) – All Saints Day
December 8 (Lunes) – Feast of the Immaculate Conception of Mary
December 31 (Miyerkules) – Last Day of the Year
SPECIAL WORKING DAY:
February 25 (Martes) – EDSA People Power Revolution Anniversary
ADDITIONAL SPECIAL NON-WORKING DAYS:
January 29 (Miyerkules) – Chinese New Year
April 19 (Sabado) – Black Saturday
December 24 (Miyerkules) – Christmas Eve
October 31 (Biyernes) – All Saints' Day Eve
Ilalabas naman ang mga proklamasyon na nagdedeklara national holidays para sa pagdiriwang ng Eidul Fitr at Eidul Adha pagkatapos matukoy ang tinatayang petsa ng Islamic holidays, alinsunod sa Islamic calendar (Hijra) o lunar calendar, o sa Islamic astronomical calculations, alinman ang naaangkop.
Irerekomenda raw ng National Commission on Muslim Filipinos sa pangulo ang mga aktuwal na petsa kung kailan matatapat ang nasabing mga holiday.