Yumanig ang isang magnitude 4.9 na lindol sa probinsya ng Cagayan nitong Huwebes ng umaga, Oktubre 31, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:39 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 29 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Claveria, Cagayan, na may lalim na 16 kilometro.
Pinag-iingat ang mga residente sa kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.
Ngunit hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.