December 26, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Vice Ganda, baka pagtalunan daw sa MMFF; pang-Best Actor o Best Actress?

Vice Ganda, baka pagtalunan daw sa MMFF; pang-Best Actor o Best Actress?
Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz Showbiz Update (YouTube)/Star Cinema (FB)

Nausisa ni Ogie Diaz ang dati niyang alagang si Unkabogable Star Vice Ganda kung okay lang ba sa kaniya kung sakaling mailagay siya sa kategoryang "Best Actor" sa awarding ceremony ng Metro Manila Film Festival 2024 sa Disyembre 27.

Naiibang Vice Ganda kasi ang mapapanood ng moviegoers sa pagbubukas ng MMFF 2024, para sa kaniyang pagbabalik-pelikula, na may pamagat na "And The Breadwinner Is..."

Paliwanag ni Meme, hindi naman daw inalis ng direktor niyang si Jun Robles Lana ang "pagpapatawa" flavor niya dahil doon naman talaga siya nakilala sa mga pelikula niya.

Pero sa pelikulang ito, "dinagdagan" daw siya ng direktor kaya ito raw ang dapat abangan ng lahat.

Pelikula

Vice Ganda, 'di papakabog? 'And The Breadwinner Is' sold-out na sa iba't ibang sinehan!

Ito kasi ang unang beses na sasabak sa comedy-drama si Vice, na malayong-layo sa tema ng kaniyang mga box-office movies sa MMFF.

Maging si Vice, hindi pa raw niya napapanood ang kabuuan ng movie dahil Christmas gift na raw sa kaniya ito ni Direk Jun at ng Star Cinema.

Excited na raw ang Unkabogable Star na malaman at makita ang reaksiyon ng mga manonood sa "familiar but different" na pelikulang Vice Ganda.

Nang matanong ni Ogie kung kumporme ba siyang mailagay sa "Best Actor" category, sagot niya, "Historically, noong na-nominate, na-nonominate naman ako sa Film Fest, pero Best Actor category, eh ako okay naman ako ro'n. Okay ako sa Best Actor, kung tatanungin nila ako, pero hindi ko naman iniimpose na 'Hoy kailangang ma-nominate din ako sa Best Actor. Nasa sa kanila na 'yon. Parang malaking bonus 'yon kapag na-nominate," paliwanag pa ng komedyante-TV host.

Basta ang matitiyak daw ni Vice kay Ogie, maipagmamalaki siya nito dahil sa pelikulang ito.

MAKI-BALITA: New movie era: Vice Ganda, Vic Sotto 'magseseryoso' na sa pelikula