November 22, 2024

Home BALITA Metro

Tinatayang ‘₱24.8M’ halaga ng crematorium, itatayo sa Manila South Cemetery

Tinatayang ‘₱24.8M’ halaga ng crematorium, itatayo sa Manila South Cemetery
Photo courtesy: Manila South Cemetery/Facebook

Binabalak ng lokal na pamahalaan ng Maynila na tuluyang maumpisahan ang konstruksyon ng crematorium sa Manila South Cemetery.

Ang nasabing crematorium ay nagkakahalaga umano ng ₱24.8M, na ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ay tugon daw nila sa aral na iniwan noon ng pandemya na dapat magkaroon ang lungsod ng “affordable crematorium.”

“The need for a public crematorium in Manila is one of the lessons learned from the COVID pandemic because we saw that the poor of Manila needed an affordable crematorium,” ani Lacuna sa panayam niya sa media. 

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, inihayag ng alkalde ang ilan sa 2024 budget nito para sa mga public cemeteries ng lungsod. 

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nasa ₱33.475M umano ang laan para sa cemetery services, habang ₱7.76M naman anila ang para sa maintenance at operating services ng mga sementeryo at karagdagang ₱25.7M ang para naman daw sa pagpapasahod at benepisyo ng mga tauhan ng bawat sementeryo.

Matatandaang nasa Maynila ang ilan sa mga pinakamalaki at pinakamatandang sementeryo sa bansa katulad na lamang ng Manila North Cemetery na binuksan noong 1904, na ayon sa ulat ng isang lokal media, ay mayroong halos isang milyong libingan. Nasa Maynila din ang kinikilalang pinakamatandang sementeryo sa bansa na “La Loma Cemetery.”

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano-ano nga ba ang pinakamatatandang sementeryo sa Pilipinas?

Samantala, ipinagbigay-alam na rin ng lokal na pamahalaan ng Maynila na maaaring magsimulang bumisita sa Manila North at South Cemeteries mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2024 na mag-uumpisa ng 5:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi.

Kate Garcia