Patuloy na nanalasa ang Super Typhoon "Leon" sa Northern Luzon dahilan upang itaas sa Tropical Cyclone Wind Signal. no 3 ang Batanes at Cagayan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules ng umaga, Oktubre 30.
KAUGNAY NA BALITA: 'Leon' ganap nang Super Typhoon
Sa 11:00 a.m. tropical cyclone bulletin ng PAGASA, namataan ang mata ng super typhoon sa 350 kilometers Silangan ng Calayan, Cagayan. Tinataglay nito ang malakas na hangin na umaabot sa 185 km/h at may pagbugsong 230 km/h.
Bahagyang mabagal naman ang pagkilos ng super typhoon Leon pa-West Northwestward na may bilis na 10 km/h.
Itinaas sa signal no. 3 ang sumusunod ng mga lugar:
- Batanes (eastern portion ng Babuyan Islands)
- Northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana)
Signal no. 2:
- Natitirang bahagi ng Babuyan Island
- Natitirang bahagi ng mainland Cagayan
- Northern at Eastern portions ng Isabela
- Apayao
- Kalinga
- Northern at Eastern portions ng Abra
- Eastern portion ng Mountain Province (Paracelis)
- Ilocos Norte
Signal no. 1
- Natitirang bahagi ng Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Natitirang bahagi ng Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Natitirang bahagi ng Abra
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Nueva Ecija
- Aurora
- Northeastern portion ng Tarlac
- Northern portion ng Bulacan
- Northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands
- Camarines Norte
- Northern portion ng Camarines Sur
- Northern at Eastern portion ng Catanduanes
Samantala, ayon pa sa PAGASA, maaari ring itaas sa signal no. 4 ang Batanes dahil sa "destructive typhoon-force winds" mula sa super typhoon.
Inaasahan namang magla-landfall ang Leon sa eastern coast ng Taiwan bukas ng tanghali, Oktubre 31 at tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa gabi o Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 1.