October 31, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Mga Kristiyano, binalaan; Labubu Dolls, likhang demonyo?

Mga Kristiyano, binalaan; Labubu Dolls, likhang demonyo?
Photo courtesy: Pop Mart (IG)/Freepik

Usap-usapan ang isang post patungkol sa nauuso ngayong "Labubu Dolls," ang monster art toys na gawa ng Hong Kong-based designer na si Kasing Lung noong 2015, na hango raw sa mga demonyo sa isang mitolohiya.

Mababasa sa post ng isang nagngangalang "Jennie," marapat daw na pakaisipin muna ng mga Kristiyano kung nararapat bang mangolekta ng nabanggit na dolls.

Ang ilan, ginagawa pa itong palamuti sa mga bag bilang accessories.

“Don’t be a labubu monster lover…Labubu dolls Monsters the root is from a Nordic Mythology demon gods," aniya.

Human-Interest

ALAMIN: Ilang mga pinakamalalang landslide sa Pilipinas

“Don’t let demon spirits enter into your home. As Christ followers we have no business bringing these character dolls into our homes,” mababasa pa.

Marami pa naman sa mga sikat na celebrities ngayon ang nangongolekta ng labubu dolls gaya nina Marian Rivera, Andrea Brillantes, Jinkee Pacquiao, Vice Ganda, at iba pa.

Ilan sa mga netizen naman ang natawa na lamang sa nabanggit na claim, na wala raw basehan.

Kabilang ang mga labubu sa "The Monsters Series" na inspirasyon naman sa Nordic Mythology na kinahiligan naman ni Kasing Lung habang siya ay nagkaka-edad.

Noong 2019 ay nakipagsosyo siya sa Chinese toy company na "Pop Mart" para sa manufacturing ng Labubu Dolls.

Ngayong 2024, lubusang nauso ang pangongolekta ng Labubu Dolls.