Lumakas at ganap nang Super Typhoon ang bagyong "Leon," ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules ng umaga, Oktubre 30.
Ayon sa PAGASA, naging super typhoon ang bagyo kaninang 10:00 ng umaga.
Kasalukuyang nasa Silangan ng Cagayan, Cagayan ang sentro ng super typhoon. Tinataglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 230 kilometers per hour (kph).