Ibinahagi ni Kapuso actor Juancho Triviño ang kuwento ng kaniyang pagpapabautismo bilang isang ganap na Kristiyano.
Sa isang Instagram post ni Juancho kamakailan, sinabi niya na bagama’t anim na taon na raw siyang Kristiyano, alam niyang kailangan niya rin daw sumailalim sa pagpapabautismo.
“Last Sunday, I finally did my Baptism, even if I had been a Christian already for 6 years already - I know in my heart that I had to obey and go through with this,” saad ni Juanco.
Gayunman, paglilinaw niya: “Doing this is not the assurance of salvation, we do this for the public declaration of our IDENTITY in Christ who is the way to our salvation.”
Dagdag pa niya: “We may be fun and silly on our social media at times, but my family and I, we have a mission for what pleases God in our lifetime. “
Hinakayat din ng aktor ang mga Kristiyano na hindi pa nakakapagbautismo sang-ayon na rin sa nakasaad umano Banal na Kasulatan partikular sa Act 2:38.
“Jesus loves you and died for you so you may have eternal life with HIM,” paalala naman niya sa mga hindi tagasunod ni Kristo.