October 31, 2024

Home BALITA National

Dahil sa hagupit ng Super Typhoon Leon: Batanes, itinaas sa signal no. 4

Dahil sa hagupit ng Super Typhoon Leon: Batanes, itinaas sa signal no. 4
(Dost_pagasa)

Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 4 ang probinsya ng Batanes. 

Sa 2:00 p.m. tropical cyclone bulletin ng PAGASA nitong Miyerkules, Oktubre 30, namataan ang sentro ng super typhoon sa 310 kilometers Silangan ng Calayan, Cagayan. Tinataglay nito ang malakas na hangin na umaabot sa 185 km/h at may pagbugsong 230 km/h.

Gumagalaw pa-Northwestward ang super typhoon sa bilis na 15km/h. 

Kasalukuyang itinaas ng PAGASA sa signal no. 4 ang Batanes.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Signal no. 3 naman sa Eastern portion ng Babuyan Islands at Northeastern portion ng mainland Cagayan.

Nakataas ang Signal no. 2 sa mga sumusunod na lugar: 

- Natitirang bahagi ng Babuyan Island
- Natitirang bahagi ng mainland Cagayan
- Northern at Eastern portions ng Isabela
- Apayao
- Kalinga
- Northern at Eastern portions ng Abra
- Eastern portion ng Mountain Province
- Ilocos Norte

Signal no. 1:

- Natitirang bahagi ng Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Natitirang bahagi ng Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Natitirang bahagi ng Abra
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Nueva Ecija
- Aurora
- Northeastern portion ng Tarlac
- Northern portion ng Bulacan
- Northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands
- Camarines Norte
- Northern portion ng Camarines Sur
- Northern at Eastern portion ng Catanduanes

Inaasahan namang magla-landfall ang Leon sa eastern coast ng Taiwan bukas ng tanghali, Oktubre 31 at tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa gabi o Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 1.