January 22, 2025

Home BALITA

Binatilyo, patay matapos umanong kumain ng karne ng aso

Binatilyo, patay matapos umanong kumain ng karne ng aso
Photo courtesy: Pexels

Nagsasagawa na umano ng contact tracing ang isang rural health unit sa Davao del Norte, matapos matala sa naturang lugar ang kaso ng pagkamatay ng isang binatilyong kumain daw ng karne ng aso.

Ayon sa ulat ng 93.1 Brigada News FM-Davao nitong Oktubre 30, 2024, isang 15-anyos umano ang kumain ng karne ng aso na pinaniniwalang kontaminado dulot ng rabies.

Subalit tila magkaibang resulta naman ang iginigiit ng New Corella Rural Health Unit at Davao Regional Medical Center tungkol sa pagkamatay ng biktima. Sa ulat pa rin ng Brigada News FM-Davao, Oktubre 24 daw nang isugod ang biktima sa nasabing ospital habang Oktubre 25 naman nang ma-discharge ito kung saan lumalabas daw na kidney infection ang diagnosis ng biktima, na siya rin umanong sinang-ayunan ng kaniyang mga magulang.

Samantala, sa opisyal na Facebook post naman ng RHU New Corella noong Oktubre 25, 2024, kinumpirma at iginiit nito na sa rabies ng aso ang ikinamatay ng biktima dahil sa pagkain nito ng dog meat. Nasa comment section din ng naturang post ang umano’y contact tracing form, upang matunton nila kung sino-sino pa ang kumain din ng karne ng nabanngit na aso.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang noong Agosto 2024, sinabi ng Animal Kingdom Foundation (AKF) na lubha umanong mapanganib ang pagkain ng karne ng aso. Ayon sa AKF, ilan sa mga sakit na maaaring makuha rito ay Leptospirosis, Hepatitis, Rabies, Cholera at Anthrax.

Kate Garcia