December 23, 2024

Home SHOWBIZ

'Big boy na ikaw Kuya Naia!' Jodi flinex lagay ng napulot na kuting sa airport

'Big boy na ikaw Kuya Naia!' Jodi flinex lagay ng napulot na kuting sa airport
Photo courtesy: Jodi Sta. Maria (X)

Tamang-tama para sa "National Cat Day" nitong Martes, Oktubre 29, nagbigay ng update si "Lavender Fields" star Jodi Sta. Maria sa kaniyang napulot na kuting, ngayon ay ganap nang "big boy cat" na si Naia.

Batay sa video clip na kaniyang ibinahagi sa social media, ipinakita niya ang "before and after" ni Naia simula nang mapulot at iuwi niya sa bahay ang kuting mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Enero 5, 2023.

Makalipas ang halos dalawang taon, makikitang malaki na si Naia at halatang alagang-alaga sa pagmamahal ni Jodi.

"Time flies so fast. Parang kailan lang nagtagpo ang landas natin sa airport. Kinuha kita at inuwi," mababasa sa post ng tinaguriang "Silent Superstar."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Ngayon, big boy na ikaw Kuya Naia."

"Thank you for purring into our lives."

Saad ng mga netizen, ang suwerte raw ng pusa dahil si Jodi ang naging fur parent niya, na kilalang mapagmahal sa pets.

MAKI-BALITA: Jodi Sta. Maria, ibinahagi ang kalagayan ngayon ng kuting na napulot sa NAIA

MAKI-BALITA: ‘Poor kitty now has a new home!’ Jodi, pinulot at inuwi palakad-lakad na kuting sa airport 

MAKI-BALITA: ‘Di nakilala?’ Jodi, napagalitan ng isang pasahero sa airport matapos ‘iligtas’ ang kuting