Lalo pang lumakas ang bagyong Leon habang binabaybay nito ang katubigan sa silangan ng Cagayan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 5:00 ng hapon ngayong Martes, Oktubre 29.
Base sa update ng PAGASA, huling namataan ang Typhoon Leon 505 kilometro ang layo sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o 515 kilometro ang layo sa silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Kumikilos pa rin ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Signal No. 2
Batanes
Babuyan Islands
Mainland Cagayan
Northern at eastern portions ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Naguilian, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Reina Mercedes, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Mallig, Maconacon, Burgos)
Apayao
Northern portion ng Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal)
Northern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
Ilocos Norte
Signal No. 1
Mga natitirang bahagi ng Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Mga natitirang bahagi ng Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Mga natitirang bahagi ng Abra
Ilocos Sur
La Union
Eastern portion ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Bongabon, Carranglan, Pantabangan, Laur, Rizal)
AuroraNorthern at eastern portion ng Quezon (Infanta, Real, Mauban, Perez, Alabat, Quezon, Calauag, General Nakar, Atimonan, Plaridel, Gumaca, Lopez, Guinayangan, Tagkawayan) kabilang na ang Polillo Islands
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Northern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat, Barcelona, Casiguran, Bulusan, Juban, Magallanes, Castilla, Pilar, Donsol)
Ayon sa forecast track ng PAGASA, patuloy na kikilos ang bagyong Leon pa-northwest sa Philippine Sea hanggang sa mag-landfall ito sa eastern coast ng Taiwan sa Huwebes ng tanghali o gabi, Oktubre 31.
Inaasahang magiging pinakamalapit ang bagyo sa Batanes sa pagitan ng Huwebes ng madaling araw at tanghali habang hindi inaalis ang posibilidad na mag-landfall ito sa lalawigan.
“LEON will likely be at or near super typhoon intensity during its closest point of approach to Batanes,” saad pa ng PAGASA.
Posibleng lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes ng gabi o sa Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 1.