November 23, 2024

Home BALITA National

Leon, itinaas na sa ‘typhoon’ category; 4 lugar sa Luzon, Signal No. 2 na

Leon, itinaas na sa ‘typhoon’ category; 4 lugar sa Luzon, Signal No. 2 na
Courtesy: PAGASA/FB

Umabot na sa “typhoon” category ang bagyong Leon, dahilan kaya’t itinaas na sa Signal 2 ang apat na mga lugar sa Luzon, ayon sa 11 AM update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Martes, Oktubre 29.

Base sa update ng PAGASA, huling namataan ang Typhoon Leon 555 kilometro ang layo sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.

National

VP Sara, wala raw dahilan para patayin si PBBM: ‘Buti kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman!’

Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Signal No. 2

Batanes

Babuyan Islands

Eastern portion ng mainland Cagayan (Gattaran, Baggao, Lal-Lo, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Pe)

Northeastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon)

Signal No. 1

Mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan

Mga natitirang bahagi ng Isabela

Quirino

Nueva Vizcaya

Apayao

Kalinga

Abra

Mountain Province

Ifugao

Benguet

Ilocos Norte

Ilocos Sur

La Union

Aurora

Northern portion ng Quezon kabilang na ang Polillo Islands (General Nakar, Infanta, Real)

Camarines Norte

Eastern portion ng Camarines Sur (Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, Tigaon, Calabanga, Saglay)

Catanduanes

Eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Tiwi, Malilipot, Malinao, Santo Domingo, Manito)

Northeastern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat)

Ayon sa forecast track ng PAGASA, patuloy na kikilos ang bagyong Leon pa-west northwest ngayong Martes, at saka liliko pa-northwest bukas ng Miyerkules, Oktubre 30, hanggang sa mag-landfall ito sa eastern coast ng Taiwan sa Huwebes ng tanghali o gabi, Oktubre 31.

“LEON will be closest to Batanes between Thursday early morning and noon,” anang PAGASA.

Samantala, posible pa raw lumakas ang bagyo lalo na sa oras ng closest approach nito sa Batanes, at malaki ang tsansang umabot ito sa “super typhoon” category.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Huwebes ng gabi o sa Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 1.