December 23, 2024

Home FEATURES BALITAkutan

Lalaki, ipinakita ang purgatoryo at kaharian ng langit sa kaibigan

Lalaki, ipinakita ang purgatoryo at kaharian ng langit sa kaibigan
Photo Courtesy: Adobe Stock (Website)

Wala sigurong pangkat ng tao ang hindi nag-imagine sa hitsura ng lugar na posibleng kahantungan nila pagkatapos mabuhay. 

Sa mitolohiyang Norse, may tinatawag na Valhalla. Dito umano napupunta ang mga Asgardian na namatay sa pakikipaglaban habang nasa digmaan. 

Sa katutubong paniniwala naman ng mga Pilipino, sumasakay umano ang kaluluwa ng tao sa isang bangka sa oras na siya ay pumanaw para baybayin ang dagat habang may kasamang abay.  

Pero dahil sa malaganap na impluwensiya ng Katolisismong bitbit ng mga Kastilang mananakop, napalitan ang paniniwalang ito. Nagkaroon tayo ng konsepto ng langit, impyerno, at purgatoryo.

BALITAkutan

Nanay at mga anak niya, nakaranas ng kababalaghan sa Labubu dolls?

At sa pagkakataong ito, mabibigyan tayo ng pagkakataong masilip ang langit at purgatoryo sa pamamagitan ng kuwentong ibinahagi ni Rens Guinto sa isang Facebook online community.

“Mayroon akong super close friend sa work na lagi kaming nagwa-wonder if totoo ba ang impyerno, langit, or purgatoryo. So at one of our candid convo nagkaroon kami ng agreement na kung sino unang mamatay sa amin, dadalaw sa panaginip para ipakita kung ano ang hitsura ng mga ito,” saad ni Rens sa kaniyang post.

“Pandemic happened and we partways hanggang sa namatay siya February 2022. Grabe epekto sa akin. Nalungkot talaga ako kasi close talaga kami. That time, di ko naalala usapan namin kasi 2019 pa ‘yun. Until after 3 months niya namatay, dumalaw siya sa akin na nasa purgatoryo siya.

“Ang hitsura is sobrang daming tao na nag-uunahan sumakay sa tren na hindi alam kung saan pupunta. Sabay kaming sumakay at nakipagsiksikan tapos pagbukas ng pinto bumalik lang kami sa pinanggalingan. Cycle continues at sobrang daming tao (or kaluluwa) na nag-uunahan. Lahat sila grayish ang hitsura. 5 cycle ‘yun. Kinabahan ako. ‘Pag di na ako nagising baka nandoon na ako  talaga.

“Two months after this, dinalaw naman niya ako para ipakita na ang langit. This time nag-iisa lang niya ako kinita sa labas na tila may portal na siyang papasukan. Puro puti lang makikita mo at suot niya purong puti. After noon, never na siyang dumalaw sa panaginip ko. Pero sana one day dumalaw siya para matuloy ko kwento ko here.”

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita, inamin ni Rens na lalo umanong tumibay ang kaniyang pananampalataya sa Diyos matapos mangyari ang panaginip.

Masaya rin umano siya na nasa mabuting lugar na ang kaniyang mahal na kaibigan. 

“I feel relieved na nasa good place na siya,” aniya.

Anomang bersiyon ng kabilang buhay ang pinaniniwalaan, isa lang ang sigurado: may hatid na pag-asa ang konseptong ito para sa lahat ng tao. 

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.