Isang araw matapos dumalo sa pagdinig ng Senado hinggil sa war on drugs ng kaniyang administrasyon, nagtungo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Batangas nitong Martes, Oktubre 29, upang personal na makiramay sa mga nasawi sa landslide dulot ng naging pananalasa ng bagyong Kristine.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Office of the Vice President (OVP), opisina ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte, ang ilang mga larawan ng pagbisita ng dating pangulo sa burol ng mga nasawi sa landslide sa Brgy. Sampaloc, Talisay, Batangas noong Oktubre 24.
“Together with him is the team from the Office of the Vice President’s Special Projects Division and Public Assistance Division to provide Burial Assistance for the affected families,” anang OVP sa naturang post.
“He also joined the OVP Disaster Operation Center's Relief Operations in different evacuation centers in Talisay and Laurel, Batangas,” dagdag nito.
Matatandaang bago ang nasabing pagbisita ni Duterte sa mga biktima ng bagyong Kristine, nagtungo si Duterte nitong Lunes, Oktubre 28, sa Senado upang magsilbing resource person sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa drug war ng kaniyang administrasyon.
KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, ‘di hihingi ng tawad hinggil sa drug war: ‘I did it for my country!’
KAUGNAY NA BALITA: Utos ni Ex-Pres. Duterte sa mga pulis: 'Barilin mo sa ulo...'
KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, iginiit na ‘wag panagutin mga pulis sa drug war: ‘I take full responsibility’