January 22, 2025

Home FEATURES BALITAkutan

Eskinitang nababalutan ng kababalaghan

Eskinitang nababalutan ng kababalaghan
Photo Courtesy: Cathay Pacific (Website)

Ang eskinita ay isang makipot na daanan sa pagitan ng mga gusali o bahay sa urban na lugar, hindi pangunahing kalsada, at ginagamit bilang shortcut o alternatibong ruta.

Pero sa mga hindi inaasahang pagkakataon, paminsan-minsan ay hindi ligtas daanan ang ilang eskinita dahil nagiging pugad ng di-magagandang elemento sa lipunan at pinangyayarihan ng krimen.

Sa iba pang mga kuwento, ilang eskinita rin ang nagsisilbing piping saksi ng mga kuwento ng kababalaghan.

Kaya anong gagawin mo kung may makasalubong kang hindi pangkaraniwang nilalang sa isang eskinita?

BALITAkutan

Nanay at mga anak niya, nakaranas ng kababalaghan sa Labubu dolls?

Sa pagkakataong ito, matutunghayan ang kuwentong ibinahagi ni Kimmie Salcedo sa isang Facebook online community tungkol sa eskinitang nababalutan ng kababalaghan.

“‘Yung group of friends ko is very fond of horror stories and activities. Minsan ginagawa namin ‘tong past time. Kahit paulit-ulit na ang mga kwento, natatakot pa din kami.

“Until we decided to test our courage. Mayroon snake road o tinatawag na eskinita sa street namin. Easiest way to access main road sa kabilang area na kilala for kababalaghan. May malaking puno ng acacia doon. Kalahati lang ang kita. To cut the story short, nag-ghost tripping kaming magbabarkada sa eskinita na ‘yun to prove if meron nga talagang kakaiba. Gabi kami nagpunta para syempre intense.

“So ngayon, ’yung isa naming friend mayroon siyang phone na may video camera (that time di pa talaga ganoon kauso ‘yung android phones). Ni-record namin ‘yung buong lakad namin sa eskinita. Medyo mahaba din yung eskinita samin. So madilim and very limited lang ‘yung lights.

“Mabigat yung feeling pero wala kaming nakita habang naglalakad kami. Until dumating kami sa tambayan at noong i-check namin ‘yung video, nagulat kami. Mayroong white image na habang palapit kami nang palapit sa puno ng acacia, naging clear image ng isang white lady. Sa sobrang takot namin dinelete namin agad ‘yung video and di na kami ulit dumaan doon ng gabi.

“Another experience is ‘yung tanghaling tapat kami dumaan doon ng isa kong anak-anakan kasi may dinaanan kami and mas madali if doon kami lulusot. Akala ko ako lang nakakaramdam noong bigat habang naglalakad kami. Tapos noong nasa bandang acacia na kami, biglang ‘yung daanan namin parang unti-unting sumisikip kaya napasigaw talaga ko: ‘Bebe, takbo na!’

“Tapos parang ang tagal pa namin bago nakalagpas doon and pasikip talaga nang pasikip ‘yung daan hanggang sa nagsabi na ko ng ‘In Jesus name, amen’. ‘Yan lang nabanggit ko sa sobrang takot ko. Then suddenly nandoon na pala kami sa may tapat ng bahay. Doon sa paglagpas ng acacia.

“Another encounter is yung galing ako sa shift ko sa work and doon ko naisipang bumaba kasi ayoko maglakad nang malayo. Pagbaba ko di ko naman napansing may bata. Pero noong naglalakad na ako, may naaninag ako na bata na nakaharap sa wall na parang may kinukutkot. Di ko na lang pinansin kasi medyo pagod ako sa work. Lately ko na lang na-realize: ‘bakit may bata doon ng 5:45 ng umaga?’

“Ito kwento naman from a barkada na kasama sa late night ghost stories namin. ‘Yung mom niya is nagtatrabaho sa isang hardware store near sa eskinita na ‘yun kaya doon dumadaan palagi. Until one time daw noong pauwi na from work, mayroon daw biglang humawak sa paa ng mama niya at di na ito makakilos.

“Noong tiningnan ng mom niya, parang mayroon daw nakahiga sa eskinita tapos nanghihingi ng tulong. Kaya from now on, kahit malayo, hindi na daw ito dumaan muli sa eskinita and umiikot na lang sa kabilang kanto.

“Mabalik tayo sa batang nakita ko sa eskinita. According to some stories, not sure if totoo ‘to. Mayroon daw batang nawala sa eskinita namin noon. Live person ‘to pero never na daw natagpuan. Nakakapagtaka daw kasi ilang minutes lang ang pagitan and abot-tingin naman daw ng mata pero hindi na raw kahit kailan natagpuan ‘yung bata. Kaya nag sink in sa akin bigla ‘yung batang nakita ko before, hindi kaya siya ‘yun? Not sure.

“So before kami lumipat ng tirahan, alam ko ay may gate na both sides yung eskinita namin and sinasara na siya tuwing gabi kaya wala na nakakadaan doon ng late nights.

“PS: Habang tinatype ko ‘to sa hindi ko alam na kadahilanan nag-hang ‘yung phone ko ng 3x. Not sure if ayaw ba ipakwento ‘to pero nandyan naman si God to guide me.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, inamin ni Kimmie na medyo sanay na umano siya sa mga kababalaghan.

“Maybe siguro po malakas po ako makaramdam ng ganoon. And at early age po kasi doon sa dati naming tinitirhan marami-rami na rin po ako nakita and na-experience. Kaya ‘yung pananaw ko po is mayroon po talaga tayong kasamang entities dito sa mundo na hindi nakikita ng iba,” kuwento niya.

Samantala, ang mensahe naman niya para sa mga gaya niyang nakakaranas din ng ganitong kababalaghan, lagi lang umanong manalangin sa Diyos upang maiwasang dumikit ang mga negatibong enerhiya ng mga di pangkaraniwang nilalang.

Dagdag pa niya: ”If in case na maka-encounter or makausap pa, much better din na ipag-pray ‘yung soul n’ong entity na ‘yun. Kasi minsan, baka mga lost souls sila na hindi makatawid na kailangan ng prayer. Pero again, ingat pa rin kasi maraming evil pa rin sa mundo. Pinaka the best talaga is ‘wag mawala yung faith mo kay God.”

Dahil ang totoo, kung tutuusin, hindi naman ang mga halimaw o multo ang totoong nakakatakot sa mundo, kundi ang mga lumilikha nito.

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.