December 22, 2024

Home FEATURES BALITAkutan

'Do you belong in this class?' Ang estudyante sa cubicle 14

'Do you belong in this class?' Ang estudyante sa cubicle 14

Sabi ng manunulat na si Edgar Calabia Samar, isang uri ng panganib ang hindi isipin ng tao ang mga bagay na hindi agarang nakikita o dinaranas ng mga pandama. Dahil baka dumating ang punto na hindi na siya mag-ingat sa mga hindi niya nakikita pero umiiral.

Kaya sa papalapit na Undas, tunghayan natin ang kuwentong ibinahagi ni Rosered29 sa isang Facebook online community tungkol sa isang elemento na hindi karaniwang nakikita ng mga mata.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, hindi umano ito ang unang beses niyang makaranas ng kababalaghan. Pero ang nangyaring ito noong nag-aaral siya ng kolehiyo ang masasabi niyang nakapagpakilabot sa kaniya nang husto.

“This happened during college days ko. I was taking Political Science sa isang college along Aurora Blvd. sa Cubao. Madalas night class na ‘yung nakukuha ko na subject both major and minor subjects. And ‘pag night class, hindi na rin ganoon kadami ang mga students.

BALITAkutan

Nanay at mga anak niya, nakaranas ng kababalaghan sa Labubu dolls?

“Start ng sem noon, siguro mga second week pa lang ng new sem, ‘di pa magkakakilala ang mga estudyante. Halo-halo pa kasi minor subject lang siya. ‘Tapos, ‘yung class namin nasa ground floor lang naman, sa speech lab. 

“‘Yung itsura ng speech lab, may kaniya-kaniyang cubicle per student. Sa bawat station may sariling mic and headset. ‘Yung platform ng prof, medyo elevated kaya maganda ‘yung vantage point nya, kita niya lahat ‘yung mga students.

“My prof was starting her usual roll call, isa-isa. Noong natapos na niya matawag lahat ng nasa roster niya, bumaba siya sa platform, tapos lumapit sa cubicle number 14 and then asks: ‘do you belong in this class?’

“Siguro tatlong beses niyang tinanong ‘yun. ‘Tapos, nagtinginan na kami ng mga classmate ko. Siguro napansin na rin niya ‘yung mga facial reaction namin. Tinanong niya ‘yung whole class: ‘do you know her? does she belong in this class?’

“Tinanong siya ng student na nasa cubicle number 15: ‘Ma'am, sino pong kausap n’yo?’

“‘Siya, hindi n’yo ba siya nakikita?’ sabi ni Ma’am.

“Sumagot ulit ang estudyante sa cubicle number 15: ‘Ma'am, kanina pa po vacant ‘yang cubicle kasi ‘di gumagana ‘yung mic niyan’

“‘Ha? E, sino ‘to? Hindi n’yo ba siya nakikita?’ si Ma’am ulit.

“Wala nang nakasagot sa tanong ni Prof. Basta ang tanda ko noon, binitbit ko na ‘yung bag ko. Nagtakbuhan na kasi palabas ‘yung mga classmate ko. Wala na akong masyadong matandaan kung paano ako nakalabas. Nanlaki na ‘yung ulo ko sa narinig ko. Hindi na rin kami nakapagklase noong gabing ‘yun.

“Dinrop ko na din ‘yung subject na ‘yun. Kinuha ko na lang siya noong sumunod na sem–sa mas maagang shift. Buti na lang, hindi na doon sa speech lab.

“And by the way, walang cubicle number 13. Parang sa mga building, iniwasan nila yung number 13. So technically, si cubicle number 14 is number 13 talaga.”

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.