November 23, 2024

Home BALITA National

Crime rate sa 'Pinas, bumaba sa ilalim ng PBBM admin – Abalos

Crime rate sa 'Pinas, bumaba sa ilalim ng PBBM admin – Abalos
MULA SA KALIWA: Pres. Bongbong Marcos, Ex-DILG chief Benhur Abalos, at Ex-Pres. Rodrigo Duterte (file photo)

“Mayroon tayong datos na magpapatunay diyan.”

Iginiit ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary at senatorial aspirant Benhur Abalos na mas bumaba umano ang kriminalidad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Abalos matapos igiit ni Duterte sa pagdinig ng Senado nitong Lunes, Oktubre 28, na tumaas ang drug-related crimes sa administrasyon ni Marcos.

"I can say that our crime situation has significantly decreased under the Marcos administration. Mayroon tayong datos na magpapatunay diyan," ani Abalos sa isang pahayag nitong Martes, Oktubre 29, na inulat ng Manila Bulletin.

National

VP Sara, wala raw dahilan para patayin si PBBM: ‘Buti kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman!’

Binanggit ng dating kalihim ng DILG na base sa datos ng Department of Justice (DOJ), 324,368 umano ang naitalang krimen mula Hulyo 1, 2022 hanggang Enero 31, 2024, 10.66% na mas mababa mula sa 363,075 krimeng naitala sa pagitan ng Disyembre 1, 2020 at Hunyo 30, 2022 o noong administrasyon ni Duterte.

"Ever since the current administration started, mas nagfocus na tayo sa rehabilitation ng mga drug dependents kaya naman nakita din natin na hindi na rin ganoon kadami ang namamatay sa ating kampanya laban sa ilegal na droga," saad pa ni Abalos.

Samantala, matatandaang ilang sandali matapos bitiwan ni Duterte ang nabanggit na pahayag nitong Lunes, agad na umalma ang Malacañang at sinabing hindi umano totoo ang sinabi ng dating pangulo.

MAKI-BALITA: Malacañang, umalma sa pahayag ni Ex-Pres. Duterte na laganap pa rin kriminalidad sa PH