December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anne dismayado sa kung paano nagagamit ang budget per department ng gobyerno

Anne dismayado sa kung paano nagagamit ang budget per department ng gobyerno
Photo courtesy: Anne Curtis (FB)/Screenshot from Pinoytapsilog (X)

Usap-usapan ang "matapang" na X post ni "It's Showtime" host at tinaguriang Dyosa ng Philippine showbiz na si Anne Curtis, patungkol sa paggamit ng budget o pondo ng bawat department o kagawaran ng pamahalaan.

Ni-reshare kasi ni Anne ang isang video clip ng panayam ni "Pinoytapsilog" sa University of the Philippines (UP) associate professor na si Cielo Magno patungkol sa proseso ng alokasyon ng budget lalo na sa senado at kongreso.

Ipinaliwanag ng propesora ang dapat daw sanang tamang proseso sa pag-allocate ng budget, subalit naiiba raw ito ngayong 2024.

Kaya ang ibinibigay raw niyang grado ay "failing grade."

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Sey ni Anne sa kaniyang X post, "ANG laki laki ng budget Nila. Mapapatanong ka Talaga e. Kamusta nga ba ang performance so far ng bawat department? Sakit sa heart."

Photo courtesy: Screenshot from Anne Curtis (X)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"If we really want to have a better government, we have to be the change we wish to see and we can start that by electing officials who possess transparency, honesty, accountability and have the heart of a true public servant. Someone who shows up even in the most difficult times."

"Kaya ang hirap ipaglaban ang mahal kong Pilipinas sa kamay ng mga corrupt politicians. I want to have a future secured retirement benefits kaya I need to leave the country for good."

"Grabe ang corruption dito. Kahit ang laki laki ng budget sa kanila din mapupunta. Sila ang yumayaman habang tayong ordinaryong tao ang hirap umangat kahit malinis ang ginagawa natin."

"It's frustrating to see a budget that doesn't seem to prioritize where it's most needed, especially when every peso counts for Filipinos. Magastos ang pondo, pero nasaan ang epekto sa bawat sektor?"

Bukod dito, nanawagan din si Anne nang lubusang pangangalaga sa kalikasan matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine.

MAKI-BALITA: Anne Curtis matapos bagyong Kristine: ‘We should protect nature over mining!’