November 22, 2024

Home BALITA National

‘Walang problema!’ Ex-Pres. Duterte, dumalo sa Senate hearing hinggil sa drug war

‘Walang problema!’ Ex-Pres. Duterte, dumalo sa Senate hearing hinggil sa drug war

 Isiniwalat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan ng kaniyang pagdalo sa pagdinig ng Senado ngayong Lunes, Oktubre 28, hinggil sa madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.

Nitong Lunes ng umaga nang dumating si Duterte sa Senado para sa nasabing pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinapangunahan ni Senador Koko Pimentel.

"I am here to make an accounting of what I did when I was President. So walang problema,” ani Duterte sa isang panayam na inulat ng News5.

Nang tanungin naman kung nagkaroon siya ng pagsisisi kung paano niya inimplementa ang drug war ng kaniyang administrasyon, ani Duterte: “It is for the Filipino to make the judgment.”

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ang kasalukuyang isinasagawang pagdinig ng Senado ang unang beses na haharap ang dating pangulo hinggil sa imbestigasyon ng giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.

Matatandaang hindi nakadalo si Duterte sa pagdinig ng Kamara noong Oktubre 22 dahil daw masama ang kaniyang pakiramdam.

KAUGNAY NA BALITA: De Lima, dumalo sa ‘drug war’ hearing; hiniling paggaling ni FPRRD

Noon lamang namang Hunyo ng taong ito nang ihayag ni human rights lawyer Chel Diokno na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyong Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno