Isinalaysay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang utos daw niya sa mga pulis noong siya ay isang propesor sa isang police academy.
Sa kaniyang opening statement sa pagdinig ng Senado ngayong Lunes, Oktubre 28, hinggil sa madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon, sinabi ni Duterte na hindi niya pinayagan ang pang-aabuso ng mga pulis o sundalo.
"Self-preservation is still the first law of nature. It is instinct. It is recognized in our laws as self-defense. That it why I have always told the police authorities and operatives to be mindful of this basic law of nature. However, I tell them not to abuse their authority and power. Hindi ko talaga pinayagan 'yang abuso ng pulis o sundalo kailanman sa buong buhay ko," saad ni Duterte.
Matapos nito, ibinahagi niya ang mga turo niya sa kapulisan sa isang police academy.
"No'ng nagturo ako sa pulis. Ang sinabi ko talaga sa kanila, when you are arresting a criminal, you are not supposed to request him to surrender rather you have to overcome the resistance. However, kapag ayaw, it is the duty of the police is to overcome the resistance kung ayaw mag-surrender. At kung may baril, at kung tingin mo, sabi ko sa mga pulis doon sa academy, mamamatay ka, barilin mo. Barilin mo sa ulo. Patayin mo. At least one less criminal in the community. 'Yon ang utos ko when I was a fiscal, and I was a professor doon sa police academy. 'Yon ang turo ko sa kanila," saad ni Duterte.
Dagdag pa ng dating pangulo, "Repel the aggression only in self-defense. Do not make orphans of your children and widows of your wives. I don't want that in my conscience as mayor and president. Mabigat 'yan sa konsensya ko."
Samantala, iginiit din ni Duterte na hindi siya hihingi ng tawad hinggil sa implementasyon ng war on drugs sa kaniyang administrasyon dahil ginawa lamang umano niya ito para sa Pilipinas.
BASAHIN: Ex-Pres. Duterte, ‘di hihingi ng tawad hinggil sa drug war: ‘I did it for my country!’