Habang kaharap si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig na Senado nitong Lunes, Oktubre 28, muling binigyang-diin ni Senador Risa Hontiveros ang kaniyang pagkondena sa Oplan Tokhang.
Ngayong Lunes isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig hinggil sa madugong giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.
Sa kaniyang opening statement, iginiit ni Hontiveros na “walang karangalan” ang parusa gaya ng tokhang.
“Sa lahat ng nagsasabi na ang war on drugs ay parusa daw para sa mga naliligaw ang landas, my message to you is this: there is no honor in punishment like tokhang,” giit ni Hontiveros.
“It should not be an honor to be called ‘The Punisher,’ when thousands of innocent people, including babies, have died in your name.”
“Hindi kailanman ipagmamalaki ng mga Pilipino ang War on Drugs na yan,” saad pa niya.
Ang kasalukuyang isinasagawang pagdinig ng Senado ang unang beses na haharap ang dating pangulo hinggil sa imbestigasyon ng giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.
MAKI-BALITA: ‘Walang problema!’ Ex-Pres. Duterte, dumalo sa Senate hearing hinggil sa drug war
Matatandaang hindi nakadalo si Duterte sa pagdinig ng Kamara noong Oktubre 22 dahil daw masama ang kaniyang pakiramdam.
KAUGNAY NA BALITA: De Lima, dumalo sa ‘drug war’ hearing; hiniling paggaling ni FPRRD