Nagkomento ang nagpakilalang legal representative ng doktorang sinita ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund "LRay" Villafuerte sa comment section ng kaniyang Facebook post nitong Linggo, Oktubre 27.
Sa isang mahabang Facebook post ni Cong. LRay, ipinagtanggol niya ang anak na si CamSur 5th District Rep. Migz Villafuerte na kamakailan lamang ay umani ng kritisismo matapos maispatang nag-aabot ng ₱500 sa isang ginang habang nakasakay sa isang bangka dahil sa matinding bahang naranasan ng lalawigan, sa pananalasa ng bagyong Kristine.
Matatandaang sa Facebook post ni Cong. Migz noong Huwebes, Oktubre 24, makikita ang paglibot niya lugar. Aniya, 17 raw ang na-rescue ng kanilang team.
"Kasama ang aking mga katiwalang personal close-in security at kaibigan, sinugod po namin ang tatlong araw ng stranded at di nakakakain na mga CSPC boarders sa Nabua. 17 total rescued sa aming team. More to come! But we need more teams!" saad ng kongresista.
Gayunman, pinansin ng netizens ang isang larawan kung saan makikita ang pag-abot niya ng ₱500 sa isang ginang.
Isa sa mga nagbigay ng reaksiyon dito ang isang doktora na nagngangalang "Dra. Shay Ramos," matapos niyang ibahagi ang viral photo ni Cong. Migz.
"500 talaga? Di man lang pagkain at tubig," mababasa sa caption ng post ni Ramos, batay sa screenshot na inilakip ni Cong. LRay sa kaniyang post.
Sa post naman ni Cong. LRay, dinepensahan niya ang anak na si Cong. Migz sa pagbibigay nito ng cash sa nabanggit na ginang. Subalit, tila nagkaroon pa ng pasabog ang mambabatas patungkol sa doktora.
"You bash , complain about our action and yet ang lakas ng luob mo humingi ng tulong by asking free supply of doxycycline. Mahiya ka naman ! Gusto mo pa humingi ng libreng doxycycline sa pharmacy ng provincial health office at ibebenta mo sa mga patients mo through your online consultation! What your trying to do is unethical and your medical license should be revoked !" mababasa sa post ni Cong. LRay.
"Sa kalagayan mo , kayang kaya mo bumili ng doxycycline Bakit ka humihingi ng libre ! You bash us and yet you ask help from us ! Shame on you !"
"We help everyone who needs help , even to people like you ! Send us the names of persons who need doxycycline in camsur and we will do our best to provide but we cannot give you free supply of doxycycline and risk you selling it for your on profit while you continue to bash us ."
"IKaw ang ehemplo ng mga Tao being mentioned by Jake Borromeo , na ang Galing manira at mag bash tapos #kapalmuks manghingi ng tulong . Don’t worry Meron mga kagaya mo na nakikiride sa bashing and hating posts tapos nakapila sa mga assistance and programs namin . . Nakakahiya ka talaga ."
"You’re an educated person Dra shay we suggest before you bash people , at least have the attitude of always finding the truth and goodness of every action before you judge !"
"Eto ang negative post mo about the giving of php 500 and eto din and conversation mo asking availability of free supply of doxycycline . Free because you know we don’t sell our medicines . If you want we can GCAsh to you php 500 to buy doxycycline or you prefer us to send you food and water while your in manila enjoying your life !
Wag ka mapikon kasi we exposed people like you ! "
"Lastly , if you think you have the freedom and power to bash people and spread hate , we also have the power and freedom to respond and expose people like you ! Doktora ka pa naman ! How can patients trust you ???!"
Sa huli, sinabi ng kongresista na bukas sila sa anumang uri ng kritisismo bilang isang public servant. Pero para daw i-bash sila pero hihingi rin ng libreng gamot ay ibang usapan na raw.
"We are very open to criticisms , we are open to bashing and attacks anytime but for you to bash us then ask for free meducines ??? Ibang klase ka !"
Sa huli, sinabi ng kongresista na bukas sila sa anumang uri ng kritisismo bilang isang public servant. Pero para daw i-bash sila pero hihingi rin ng libreng gamot ay ibang usapan na raw.
"We are very open to criticisms , we are open to bashing and attacks anytime but for you to bash us then ask for free meducines ??? Ibang klase ka !"
Sa comment section, mababasa naman ang komento ng isang nagpakilalang abogado ni Dra. Ramos.
Aniya, "Magandang gabi po, Cong. Lray Villafuerte. Ako po ang legal representative ni Dra. Shay Ramos. Ipapaabot ko lang po ang kanyang panig para malaman ng mga tao at ikaw rin, kung maaari."
"Si Dra. Shay po taga-Bicol pero siya ay nagtatrabaho dito sa Manila kaya wala siya sa Camarines Sur noong bagyo. Gusto niya pong tumulong sa ating mga kababayan, kaya nagbigay siya ng free online consultation para sa mga nangangailangan ng tulong medikal. Nagbibigay din po siya ng reseta. FYI, hindi po siya naniningil ni isang kusing sa kanyang mga pasyente."
"Ang minessage niya po ay simpleng tanong lamang kung may available na gamot. Nang kinumpirma ng taong kausap niya, nirefer niya sa kanyang mga pasyente ang taong kausap niya sa Messenger. Hindi po siya humihingi ng gamot mula sa taong iyon."
Dagdag pa, may pakiusap ang abogado sa kongresista, na kung hindi raw gagawin ay baka humantong sa paghahain ng kaso gaya ng "cyber libel."
"Kung malinaw na po ito sa inyo, Cong. Lray Villafuerte, pakitanggal na lang po sana ang post na ito dahil nakakasira ito sa reputasyon ni Dra. Shay at inilalagay siya sa galit ng publiko base sa maling impormasyon na ipinost ninyo. Kung hindi, titingnan po niya ang posibilidad na maghain ng angkop na kaso gaya ng cyber libel," mababasa sa dulo ng kaniyang komento.
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa nabubura ang nabanggit na post mula sa kampo ng kongresista, at wala pa siyang tugon sa naging komento ng abogado. Bukas ang Balita sa kanilang panig.
MAKI-BALITA: '₱500 is still better than not giving anything!' CamSur Cong. LRay, pumalag sa pasaring ng doktora