November 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

MGI, binawi 2nd runner-up crown ni Miss Myanmar

MGI, binawi 2nd runner-up crown ni Miss Myanmar
Photo courtesy: Miss Grand International (IG)/@htooantlwin3250 (IG)

Matapos ang kaniyang pag-eeskandalo sa naganap na Miss Grand International 2024 coronation night noong Biyernes, Oktubre 25, usap-usapan ang Miss Grand Myanmar national director na si Htoo Ant Lwin, dahil daw sa mga kumakalat niyang maselang video na ginawa niya dahil daw sa dati niyang ikinabubuhay.

Nawindang ang beauty pageant fans sa ginawa ni Lwin matapos niyang puwersahang alisin ang korona at sash ng pagka-second runner-up ng kanilang kandidatang si Miss Grand Myanmar 2024 Thae Su Nyein, pagkatapos ng Miss Grand International 2024 coronation night at hindi pa man nakakababa ng stage ang kandidata.

Ang dahilan, hindi umano tanggap ni Lwin na natalo ang kanilang kandidata, o second runner-up lamang ito.

Makikita sa mga kumalat na video na sapilitang tinanggal ni Lwin ang nakaputong na korona sa ulo ni Nyein, at inalis naman ang suot-suot nitong sash, habang kinarga ito ng isang supporter. Si Nyein naman ay tila walang nagawa at napaiyak na lamang na dulot marahil ng kahihiyang nasaksihan ng lahat.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Itinanghal na Miss Grand International 2024 ang kandidata ng India na si Rachel Gupta, sa naganap na coronation night nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 25, sa MGI Hall, Bravo BKK Mall, sa Bangkok, Thailand.

Ang pambato naman ng Pilipinas na si CJ Opiaza mula sa Zambales ang first runner-up.

Ang kalahok nga mula sa Myanmar na si Thae Su Nyein ang second runner-up, Safiétou Kabengele ng France ang third runner-up, at kinatawan ng Brazil na siTalita Hartmann ang fourth runner-up.

Sa isang live social media broadcast ay ipinaliwanag ni Lwin kung bakit hindi niya matanggap na second runner-up lamang ang kanilang pambato.

Ayon kay Lwin, sinabi raw sa kaniya ni Nawat na nag-alok daw ng salapi ang Indonesia para sa "Popular Vote," at kung gusto rin daw manalo ng award ang Myanmar, ganito rin ang suhestyon ng MGI founder/president na kailangan niyang gawin.

Pero nanindigan si Lwin na hindi siya bibili ng award para sa kanilang kandidata, bagkus ay gagawin lamang ang tamang proseso sa pamamagitan ng pagboto sa official voting app ng MGI. Sa huli, ang nag-uwi ng Popular Vote award ay si Miss Grand Indonesia Nova Liana.

Kaya nang ma-lotlot si Nyein, siya na mismo ang nagbaklas ng korona at sash nito, at kumbaga ay wafakels na siya sa kahihiyang puwedeng maidulot nito, lalo na sa kanilang kandidata.

KAUGNAY NA BALITA: Kandidata, na-lotlot sa MGI; Miss Grand Myanmar nat'l director, nag-eskandalo

Samantala, sa kaniyang isinagawang live ay sinabi mismo ni Miss Myanmar na ibabalik niya ang korona sa MGI management. Aniya, pakiramdam daw niya ay ninakaw sa kaniya ang dalawang special awards na para sa kaniya, deserve niya.

Pakiramdam daw niya ay dinaya siya sa National Costume at Country Power of the Year awards. Nasaktan daw siya nang si Miss Grand Thailand Malin Chara-anan ang pinarangalan bilang Country Power of the Year award.

Sinasabi rin niyang siya ang nakakuha ng pinakamataas na fan votes sa National Costume category subalit hindi siya nakakuha ng parangal.

PAGBAWI NG MGI SA KORONA NI MISS MYANMAR

Sa pinakabagong update sa dramang ito, inanunsyo ng MGI management na binabawi nila ang korona ng pagka-second runner-up ni Miss Myanmar dahil anila sa "misbehavior" nito.