“There is no truth to his statement.”
Inalmahan ng Malacañang ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng Senado na laganap pa rin sa kasalukuyan ang kriminalidad sa Pilipinas.
“With due respect to former President Rodrigo Duterte- there is no truth to his statement that crime remains rampant in the country,” ani Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang pahayag nitong Lunes, Oktubre 28.
Iginiit din ni Bersamin na kabaligtaran umano sa sinabi ni Duterte ang statistics mula sa Philippine National Police (PNP).
“There has been a widespread decline in crime across the board,” saad ni Bersamin.
“We have achieved stability and maintained peace and order in our country without foregoing due process nor setting aside the basic human rights of any Filipino.”
Samantala, iginiit din ng executive secretary na ang binanggit umano ni Duterte na drug raid sa San Miguel, Manila ay base sa “outdated information.”
“In that case, one suspect was arrested, drug paraphernalia was seized, and his partner is now being pursued by law enforcement,” ani Bersamin.
“All of this shows that our country is safer, our people more secure, and our future more assured than ever before under the stewardship of President Ferdinand Marcos Jr.,” saad pa niya.
Nitong Lunes ng umaga, Oktubre 28, nang dumating si Duterte sa Senado para sa dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.
KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, ‘di hihingi ng tawad hinggil sa drug war: ‘I did it for my country!’
KAUGNAY NA BALITA: Utos ni Ex-Pres. Duterte sa mga pulis: 'Barilin mo sa ulo...'
KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, iginiit na ‘wag panagutin mga pulis sa drug war: ‘I take full responsibility’