November 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Macoy Dubs, kinalampag SLEX management sa mga nagkalat na pako sa highway

Macoy Dubs, kinalampag SLEX management sa mga nagkalat na pako sa highway
Photo courtesy: Macoy Dubs (FB)/Freepik

Tila maraming naka-relate sa rant Facebook post ng social media personality na si "Macoy Dubs" patungkol sa South Luzon Expressway o SLEX.

Kinalampag niya ang SLEX management patungkol sa mga umano'y nagkalat na pako sa highway na nagdudulot ng disgrasya at aberya sa mga gulong ng motoristang dumaraan doon.

Idinaan na lamang ni Macoy sa biro ang kaniyang pagkalampag sa management ng SLEX.

"I hope SLEX management naman can do something tungkol doon sa mga nagkalat na pako sa highway. I drive carefully at siyempre sa dilim di mo mapapansin yung pothole and debris. Two of my tires nadali ng pako," ani Macoy.

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

"Kung aligaga ako, at mali ang reaction ko, matatapakan ko pa ang preno which is a no-no pag nasabugan ng gulong.

Pwede pa ako mategi, mag roll ang car at worst case, maka-perwisyo. Paano ako magiging next Britney Spears niyan? Oh diba sa gigil ko ang daming senaryo na ang nabanggit. Charing."

Saad pa ni Macoy, marami na rin daw mga ganitong reklamo simula nang isagawa ang pagbabaklas ng mga tollgate at pagsasagawa ng widening.

"Apparently, madami na pala cases mula nung binabaklas ang mga tollgate and widening."

"Eh ang gulong hindi naman mura di ba? Paano kung hindi madaan sa vulcanizing? Eh di gastos ulit, bili na lang? Eh paano kung nagtitipid? Anyways, yung 'ingat' saan mapupunta kung yung kalsada eh hindi rin 'maingat' sa dadaan?"

"What if ipabili ko na lang kay Lisa B yung Expressway? Charing. Kaloka ha. Ayusin niyo yan. Hindi mura ang toll. And yes, I can complain because araw-araw ako dumadaan diyan pa Laguna. Ansha ang lola nyo!"

Marami naman sa mga netizen ang nagpasalamat kay Macoy Dubs dahil sa wakas ay may "bumoses" na raw patungkol dito.

"Macoy Dubs dyan din ako natatalsikan, naka motor lang ako. Buti May visor ang helmet ko."

"Agree! Hindi lang pako, Macoy. Long-nose ang bumutas sa gulong ko sa widening sa may total SLEX. hindi talaga 'maingat' sa dadaan."

"I-add mo pa yung poor warning signs nila sa mga construction esp sa gabi magugulat ka na lang na may nakahambalang na barrier sa lane mo."

"FINALLY SOMEONE SAID IT! Dagdag pa yung mga lubak na ang lala. pag di mo napansin machachambahan ka talagang mabasagan ng mags. Everyday obstacle course eh!"

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng SLEX management hinggil sa post ni Macoy Dubs.