November 13, 2024

Home BALITA National

De Lima kay Duterte: 'This man evaded justice and accountability!'

De Lima kay Duterte: 'This man evaded justice and accountability!'
Photo Courtesy: Atty. Leila De Lima (Senate/YouTube screengrab), Ex-Pres. Rodrigo Duterte (Mark Balmores/MB)

Pinatutsadahan ni ML Partylist first nominee Atty. Leila De Lima si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang opening speech sa ginaganap na pagdinig hinggil sa isyu ng giyera kontra ilegal na droga sa senado, Lunes, Oktubre 28.

Sa kaniyang pananalita, sinabi ni De Lima na matagal na panahon umanong iniwasan ni Duterte ang hustisya at pananagutan sa pag-iral ng extra-judicial killings sa bansa.

“This man, the former Mayor of Davao City and the former President of the Republic of the Philippines, for so long evaded justice and accountability for the thousands of those killed in the name so-called ‘war on drugs,’” saad ni De Lima.

“Hindi pa natin siya napapanagot after all these years. And these killings was started no’ng time pa niya as mayor. ‘Yong phenomenon ng Davao Death Squad,” wika niya.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Dagdag pa niya, “Naging klarado do’n sa mga naririnig natin sa House of Representatives quadcom [quad committee] hearings that ‘yon [Davao Davao Death Squad] din ang ginawang modelo ng war on drugs starting 2016.”

Matatandaang ayon sa  2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyong Duterte na isinawalat ni human rights lawyer Atty. Chel Diokno, pumalo sa 20,322 ang drug suspects na napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno

Samantala, humarap naman si Duterte sa nasabing pagdinig upang panagutan ang lahat ng ginawa niya sa panahon ng kaniyang panunungkulan.

MAKI-BALITA: ‘Walang problema!’ Ex-Pres. Duterte, dumalo sa Senate hearing hinggil sa drug war

Ngunit iginiit niyang hindi raw siya hihingi ng tawad sa ipinatupad niyang giyera kontra droga dahil ginawa lang umano niya ang kaniyang mandato bilang pangulo.