Itinaas na sa Signal No. 1 ang 23 lugar sa bansa dahil sa bagyong Leon na mas lumakas pa habang nasa Philippine Sea, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 5:00 ng hapon ngayong Lunes, Oktubre 28.
Sa update ng PAGASA, huling namataan ang Severe Tropical Storm Leon 725 kilometro ang layo sa silangan ng Echague, Isabela.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 125 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
Luzon:
Batanes
Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Apayao
Kalinga
Abra
Mountain Province
Ifugao
Northern portion ng Benguet (Bakun, Kibungan, Atok, Bokod, Mankayan, Buguias, Kabayan)
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Aurora
Northern portion ng Quezon kabilang na ang Polillo Islands (General Nakar, Infanta, Real)
Camarines Norte
Eastern portion ng Camarines Sur (Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, Tigaon, Calabanga, Saglay)
Catanduanes
Eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Tiwi, Malilipot, Malinao, Santo Domingo, Manito)
Northeastern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat)
Visayas:
Eastern portion ng Northern Samar (San Roque, Pambujan, Catubig, Laoang, Palapag, Gamay, Lapinig, Mapanas, Mondragon)
Northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo)
Inaasahang lalakas pa ang bagyo sa passage nito sa Philippine Sea at aabot sa “typhoon” category sa loob ng 24 oras.
“There is an increasing chance that LEON will reach super typhoon category during its period of closest approach to Batanes,” saad pa ng PAGASA.