January 23, 2025

Home BALITA National

Anne Curtis matapos bagyong Kristine: ‘We should protect nature over mining!’

Anne Curtis matapos bagyong Kristine: ‘We should protect nature over mining!’
Courtesy: Anne Curtis/FB

Iginiit ni actress-host Anne Curtis dapat protektahan ang kalikasan kaysa unahin ang pagmimina matapos mapabalitang sinangga ng Sierra Madre sa Isabela ang bagyong Kristine kaya’t humina ito. 

Kamakailan lamang ay muling nabuhay ang diskurso ng hinggil sa “#SaveSierraMadre,” matapos nitong mapahina nang bahagya ang pagtama ng bagyong Kristine sa Isabela.

MAKI-BALITA: Sierra Madre, bahagya raw pinahina ang bagyong Kristine sa pagtama nito sa Isabela

Kaugnay nito, sa isang Facebook post nitong Lunes, Oktubre 28, ibinahagi ni Anne ang post ni dating Congressman Teddy Baguilat tungkol sa naturang pagsangga ng Sierra Madre sa bagyo.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“Saw the news about Isabela. Ginalaw na naman ni Sierra Madre ang baso! Sinangga niya ang bagyong #KristinePH at humina ito.  Salamat palagi, Sierra Madre! Solid ka!!!” ani Baguilat sa kaniyang post.

Sinegundahan naman ito ni Anne at sinabing: “Why we should protect nature over mining!”

Ang Sierra Madre ang pinakamahabang mountain range sa Pilipinas, kung saan ilang mga organisasyon at grupo ang nananawagan ng proteksyon nito sa gitna ng mga proyektong tulad ng kontrobersyal na Kaliwa Dam.