Usap-usapan ang mahabang Facebook post ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund "LRay" Villafuerte, matapos niyang ipagtanggol ang anak na si CamSur 5th District Rep. Migz Villafuerte na kamakailan lamang ay umani ng kritisismo matapos maispatang nag-aabot ng ₱500 sa isang ginang habang nakasakay sa isang bangka dahil sa matinding bahang naranasan ng lalawigan, sa pananalasa ng bagyong Kristine.
Matatandaang sa Facebook post ni Cong. Migz noong Huwebes, Oktubre 24, makikita ang paglibot niya lugar. Aniya, 17 raw ang na-rescue ng kanilang team.
"Kasama ang aking mga katiwalang personal close-in security at kaibigan, sinugod po namin ang tatlong araw ng stranded at di nakakakain na mga CSPC boarders sa Nabua. 17 total rescued sa aming team. More to come! But we need more teams!" saad ng kongresista.
Gayunman, pinansin ng netizens ang isang larawan kung saan makikita ang pag-abot niya ng ₱500 sa isang ginang.
"During this time of difficulty yan ba yung leader na gusto nyong iboto at iupo ng matagal. Ano gagawin sa 500 eh wala nga mabibilihan dahil lubog din sa baha or sarado. Hindi ba nag iisip yan na pwedeng food or water ang ipamigay. Time to wake up CamSur tama nayan. Iba naman."
"Mabuhay po kayo cong. Napakagaling po ng na isip nyo na ayuda. Kayo po ang pinakamagaling na cong sa buong mundo"
"PAGKAIN! PAGKAKAN po ang kailangan saan makakabakal ng pagkakan kung baha intero at lubog lahat ... MAG-ISIP ISIP naman po ..."
"Mga Malisyoso. Nagpa-Cash-In lang yan. Kita niyo may Gcash"
MAKI-BALITA: 'Gagawa ng bangkang papel?' Cong. Villafuerte, pinutakti sa larawang nag-aabot ng ₱500
RESBAK NI CONG. LRAY LABAN SA ISANG DOKTORA
Samantala, sa kaniyang post nitong Linggo, Oktubre 27, ay pinalagan naman ng kaniyang amang si Cong. LRay ang pasaring ng isang nagngangalang "Dra. Shay Ramos" na may makahulugang post patungkol sa nabanggit na viral photo ng anak.
"500 talaga? Di man lang pagkain at tubig," mababasa sa caption ng post ni Ramos, batay sa screenshot na inilakip ni Cong. LRay sa kaniyang post.
Banat naman ni Cong. LRay, "Sa panahon ngayon na Maraming pagsubok because of the devastation brought about by typhoon #KristinePH."
Giit ng kongresista, mas mainam na raw ang ginawa ng anak na pagbibigay ng cash kaysa sa wala talagang naibigay o nagawa. Ibinalik pa niya sa doktora ang paghingi raw nito ng isang uri ng gamot para sa free supply.
"Meron Pa din mga taong kagaya ni Dra Shay Ramos na Habang nag papasarap ng buhay ay may gana pa manira , mag bash saamin particularly ki Cong Migz Villafuerte . Alam mo madam shay . Help is help no matter what you say ! Php 500 pesos is still better than not giving anything and better than what you are doing."
"You bash , complain about our action and yet ang lakas ng luob mo humingi ng tulong by asking free supply of doxycycline. Mahiya ka naman ! Gusto mo pa humingi ng libreng doxycycline sa pharmacy ng provincial health office at ibebenta mo sa mga patients mo through your online consultation! What your trying to do is unethical and your medical license should be revoked !"
"Sa kalagayan mo , kayang kaya mo bumili ng doxycycline Bakit ka humihingi ng libre ! You bash us and yet you ask help from us ! Shame on you !"
"We help everyone who needs help , even to people like you ! Send us the names of persons who need doxycycline in camsur and we will do our best to provide but we cannot give you free supply of doxycycline and risk you selling it for your on profit while you continue to bash us ."
"IKaw ang ehemplo ng mga Tao being mentioned by Jake Borromeo , na ang Galing manira at mag bash tapos #kapalmuks manghingi ng tulong . Don’t worry Meron mga kagaya mo na nakikiride sa bashing and hating posts tapos nakapila sa mga assistance and programs namin . . Nakakahiya ka talaga ."
"You’re an educated person Dra shay we suggest before you bash people , at least have the attitude of always finding the truth and goodness of every action before you judge !"
"Eto ang negative post mo about the giving of php 500 and eto din and conversation mo asking availability of free supply of doxycycline . Free because you know we don’t sell our medicines . If you want we can GCAsh to you php 500 to buy doxycycline or you prefer us to send you food and water while your in manila enjoying your life !"
"Wag ka mapikon kasi we exposed people like you ! "
"Lastly , if you think you have the freedom and power to bash people and spread hate , we also have the power and freedom to respond and expose people like you ! Doktora ka pa naman ! How can patients trust you ???!"
Sa huli, sinabi ng kongresista na bukas sila sa anumang uri ng kritisismo bilang isang public servant. Pero para daw i-bash sila pero hihingi rin ng libreng gamot ay ibang usapan na raw.
"We are very open to criticisms , we are open to bashing and attacks anytime but for you to bash us then ask for free meducines ??? Ibang klase ka !"
Sa comment section naman ay mababasa ang iba't ibang reaksiyon at komento ng mga netizen.
"Hi, the public has the right to criticized public officials as they are taxpayers. All govt officials - salary and benefits and their programs are from people’s money. Hence, public can demand accountability and utmost service from you and your famiy. Camsur deserves better…. With typhoon Kristine, mapapansin po talaga na walang paghahanda ang CamSur. Lagi po binabagyo, pero walang prevention to reduce effect of calamity - to think po na matagal napo sa posisyon ang Villafuerte fam - constructive criticism po ito. Dapat po kapag meron criticism - dapat po pinapaganda pa service hindi po yung character assasination sa public… How sad that politics became like this- it became a liability. You have power and money - pero ang tao po ang nagbigay nyan. Please serve Bicolanos better, we deserve more. I hope voters will be smart next time. You dont own camsur…. #sadbicolana. I hope camsur will wake up…"
"Lray Villafuerte where in her message did she say that she was asking it for free or wants to sell it?"
"Dr. Ramos was not even asking for FREE medicines. She was simply asking if the pharmacy have doxycycline available."
"Hello Cong. What she did I believe is a personal opinion and definitely with a point. You do also have a point but the difference is you're a public official and all eyes are on you and she's a private citizen. It might be hard on your part coz even if you do things right, your haters shall continue to hate you. There's no objectivity on things. Here are your resolve: 1. Take down this post and consider her opinion as part of her right scrutinizing you. 2. Continue good deeds coz not a single opinion shall discredit your work. Thank you and God Bless us."
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 29k laugh reacts, 8.6k shares, at 5.4k comments ang nabanggit na post ni Cong. LRay.