Nilinaw ng Presidential Communications Office (PCO) na wala silang inilalabas na kahit na anumang anunsyong nagsusupinde sa mga klase sa buong Luzon mula Oktubre 28 hanggang 31, bunsod na rin ng epekto ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Anila sa kanilang Facebook post, Linggo ng gabi, Oktubre 27, ": The Presidential Communications Office and the Office of the Executive Secretary issued work and class suspensions in the whole Luzon for October 28–31, 2024, in the whole of Luzon."
"The public is advised to follow announcements only from official government pages and to check with their respective LGUs for suspensions in their localities," dagdag pa nila.
Samantala, ilang mga lugar naman sa Batangas, Cavite, Laguna, at Camarines Sur ang nagsuspinde ng klase hanggang Oktubre 31 dahil na rin sa pinsalang natamo nila sa nagdaang bagyo.