November 24, 2024

Home BALITA National

Mayorya ng mga Pinoy, 'di nagbago kalidad ng buhay sa nakalipas na 12 buwan – SWS

Mayorya ng mga Pinoy, 'di nagbago kalidad ng buhay sa nakalipas na 12 buwan – SWS
MB file photo

Karamihan sa mga Pilipino ang naniniwalang hindi nagbago ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa Third Quarter 2024 survey ng SWS na inilabas nitong Sabado, Oktubre 26, 38% ang nagsabing walang nabago sa kanilang buhay mula noong nakaraang taon.

Samantala, 37% naman ang naniniwalang bumuti ang kanilang pamumuhay (tinatawag na “Gainers”), habang nasa 24% naman daw ang nagsabing lumala pa ito (tinatawag na “Losers”).

“This gives a Net Gainers score of +13 (% Gainers minus % Losers), classified by SWS as very high (+10 to +19),” anang SWS.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Ayon pa sa SWS, dalawang puntos na mas mababa ang naturang September 2024 Net Gainer score mula sa na +15 score (high) noong Hunyo 2024. 

Bukod dito, limang puntos din na mas ang nasabing bagong +13 Net Gainers score kumpara sa “very high” na +18 noong Disyembre 2019 o bago ang Covid-19 pandemic.

Isinagawa ang nasabing survey mula Setyembre 14 hanggang 23, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 indibidwal sa bansa na 18 pataas ang edad.