December 23, 2024

Home FEATURES Trending

Kapatid ng boksingerang binu-bully, pumalag: 'Stop making comments!'

Kapatid ng boksingerang binu-bully, pumalag: 'Stop making comments!'
Photo Courtesy: Princess Diamond Banua Guro (FB)

Tila hindi na nakatiis pa ang kapatid ng boksingerang si Norj Guro mula sa panlalait ng maraming netizens sa social media dahil sa pisikal nitong hitsura.

Sa viral Facebook post ni Princess Diamond Banua Guro nitong Sabado, Oktubre 26, nakiusap siya sa bawat isa na itigil ang pagbibigay ng hindi magagandang komento sa kumakalat na video at larawan ng kaniyang ate.

“I just want to defend my sister, Norj Guro, the one in the picture (the Filipina boxer), and kindly ask everyone to stop making comments like ‘Tanginang mukha yan parang Nanay ni Whamoscruz,’ ‘Wala pang laban pero bogbog sarado na ang mukha,’ ‘Babae na pala si Whamos,’ ‘Parang marites ng Pilipinas ang mukha,’ ‘Viva Mexico vs. Ina ni Whamos,’ at iba pa,” saad ni Princess. 

“Alam ko na minsan may mga ganitong biro, pero sa tingin niyo po ba hindi na ito bullying? My sister is not just a boxer – she’s a professional athlete, a daughter, a sister, a wife, and a mother to her two daughters,” aniya.

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, makaraming naka-relate

Dagdag pa niya: “The one you are bullying is a Multi-International Belt titleholder, who has trained hard and sacrificed so much to reach her achievements.”

Umapela rin siya sa mga content creator na kinukuha ang pictures at video ng ate niya na pag-isipang mabuti ang gagawin kung makakadagdag sila sa hate na natatanggap nito sa ngalan ng likes at views.

Pakiusap niya, “Sana you use your platform to promote respect and positivity. Please, let’s avoid this kind of bullying because it’s really not funny anymore.”

Bukod dito, ibinahagi rin ni Princess ang pinagdaanang pagsubok ng ate niya hindi lang bilang atleta kundi bilang ina rin.

Ayon sa kaniya, “You all don’t know what my sister is going through. Just before she won her WBC Silver title last 2022, she went through a deeply painful time—her son passed away just a few months before her fight.“

“If you see ‘JCJ’ on her shorts, those are the initials of her baby boy, whose memory she carries with her every time she steps into the ring,” dugtong pa niya.

Kaya naman hinihikayat niya ang bawat isa na maging maingat sa bawat ibinabahaging komento sa social media dahil posibleng malaki ang epekto nito sa isang tao.

Sa huli, nakiusap siya sa mga netizen na kung maaari ay ipadala sa kaniya ang screenshot ng mga komento o shared post laban sa kaniyang kapatid.

“We are taking this seriously and will pursue legal action if necessary. Thank you!” pahabol ni Princess.