October 31, 2024

Home SHOWBIZ

John Arcilla sa tatlong TV Network: 'Di kailangang magpalitan ng masasakit na salita'

John Arcilla sa tatlong TV Network: 'Di kailangang magpalitan ng masasakit na salita'
Photo Courtesy: John Arcilla, ABS-CBN, GMA, TV5 (FB)

Naghayag ng pagkatuwa ang award-winning actor na si John Arcilla sa tatlong naglalakihang TV network sa Pilipinas.

Sa Facebook post ni John nitong Linggo, Oktubre 27, sinabi niyang masaya raw siyang makita na magkakasundo ang big boss ng tatlong network.

Makakasama kasi si John sa season 2 ng action-drama series na “Lolong” bilang si Julio Figueroa, isang makapangyarihang negosyante na namumuno rin sa pangkat ng mga kriminal.

“Sana maramdaman ninyo ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko ang mga BIG BOSS ng tatlong TV Network na magkakaharap sa isang lamesa, nagkukwentuhan na masaya, magkakasundo at magkakaibigan. Nakakatuwa silang tingnan,” saad ni John.

Tsika at Intriga

6th anniversary post ni Archie Alemania sa misis niya, binalikan ng netizens

“Iisa lang ho kasi ang trabaho namin, pasayahin kayo, magbigay ng aral ang aming mga teleserye at impormasyon ang mga programa sa public affairs,” aniya.

Dagdag pa ng aktor: “Ok lang naman ang may maliliit na kumpetisyon. Pero gawin ho natin na healthy competition. Hindi natin kailangan magpalitan ng masasakit na salita.”

Sa huli, pinasalamatan ni John si Ms. Annette Gozon ng GMA, manager niyang si Lauren Dyogi, Cory Vidanes, at Carlo Katigbak ng ABS-CBN. 

Si John ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Star Magic, ang talent management arm ng Kapamilya Network.

Matatandaang 2023 nang magsimula ang collaboration project ng ABS-CBN at GMA Network sa pamamagitan ng “Unbreak My Heart” na talaga namang umalingawngaw nang bongga sa teaser pa lang.

MAKI-BALITA: GMA-ABS collab ideya ng tatay, buking ni Annette

Samantala, sa pareho ring taon, nagpirmahan ng kontrata ang TV5 Kapatid Network at ABS-CBN para sa five-year content agreement.

MAKI-BALITA: ABS-CBN, TV5 nagpirmahan ng kontrata para sa five-year content agreement