December 22, 2024

Home BALITA

Willie may pa-₱3M sa CamSur, personal na ibinigay kay ex-VP Leni

Willie may pa-₱3M sa CamSur, personal na ibinigay kay ex-VP Leni
Photo courtesy: Screenshot from News 5/Cheryl Cosim (X)

Nagsadya sa Naga City, Camarines Sur ngayong Sabado, Oktubre 26 si "Wil To Win" host at senatorial aspirant Willie Revillame upang personal na ibigay ang isang tseke na nagkakahalagang ₱3 milyon kay dating Vice President at Angat Buhay Foundation founder Atty. Leni Robredo, para tulungan ang mga nasalanta ng bagyong Kristine.

Kasama pa nila sa pagtanggap ng nabanggit na donasyon si Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado, Jr.

Labis-labis ang pasasalamat ni Robredo kay Revillame dahil sa personal pa niyang sinadya ang Naga City para makita na rin ang sitwasyon ng mga kababayang biktima ng bagyo at baha.

Nang sabihin ni Robredo na ipapadala na lamang niya ang resibo, sinabi ni Revillame na kahit wala na raw iyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Bawal 'yon sa amin, eh. Kasi ina-account po namin lahat," sansala ng dating Vice President.

Nagpasalamat naman si Bordado sa kabutihang-loob ng TV host-senator aspirant na tinawag niyang "Senator Willie."

Napag-alaman daw ng kongresista na taga-Naga City pala ang nanay ni Willie, kaya ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpaabot ng tulong ang host-kandidato sa nabanggit na lugar. Pangalawa raw, nakita raw niya sa mga balita kung gaano kalala ang sitwasyon doon.