November 15, 2024

Home BALITA

Resto, nag-sorry matapos gawing Halloween decoration ang 'tokhang victim'

Resto, nag-sorry matapos gawing Halloween decoration ang 'tokhang victim'
Photo Courtesy: Bellini's Caffe', Ashley Astibe (FB)

Naglabas ng pahayag ang isang Italian restaurant sa Cubao matapos punahin ng mga netizen ang umano’y insensitibong Halloween decoration sa labas ng kanilang establisyimento.

Sa Facebook post ng Bellini's Caffe' nitong Biyernes, Oktubre 25, sinabi nilang hindi raw naabisuhan ang management tungkol sa pagdadagdag ng dekorasyon.

“We usually go for the simple cobwebs, bats and spiders to decorate the place, with the additional banner and vampire capes for this year. But apparently our staff was excited about participating in the decorations because it had become a contest,” saad ng Bellini's Caffe.'

Inimbestigahan na rin daw nila ito at ilan umano sa mga empleyado ang umamin sa kanilang ginawa. Kaya naman, buong-puso silang huming ng paumanhin.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

“We sincerely apologize for what happened and we deeply regret not checking up on the store decoration ourselves before it was displayed. Rest assured that we take this matter very seriously and we understand that this has caused distress,” anila.

Dagdag pa ng resto: “We value your feedback and are committed to ensuring our designs reflect the respect and sensitivity our community deserves.”

Sa huli, nagpasalamat ang Bellini's Caffe' dahil nakarating sa atensyon nila ang nasabing isyu. Sisikapin daw nilang hindi na ito maulit pa sa susunod.