October 31, 2024

Home BALITA

Price manipulation, hoarding mahigpit na pinababantayan ni Pangilinan sa DTI

Price manipulation, hoarding mahigpit na pinababantayan ni Pangilinan sa DTI
Photo Courtesy: Kiko Pangilinan, DTI (FB)

Kinalampag ni senatorial aspirant Atty. Francis “Kiko” Pangilinan ang Department of Trade and Industry (DTI) matapos umanong maiulat ang pagtaas ng presyo ng gulay bunsod ng bagyong Kristine.

Sa X post ni Pangilinan nitong Sabado, Oktubre 26, pinababantayan niya sa nasabing ahensya ang posibleng price manipulation at hoarding.

“Sa harap ng napaulat na pagtaas ng presyo ng gulay bunsod ng Bagyong Kristine, hiniling natin sa Department of Trade and Industry (DTI) na higpitan ang pagbabantay upang maiwasan ang price manipulation at hoarding,” saad ni Pangilinan.

Ito raw ang idinulog niya nang makipagpulong siya kay Assistant Secretary Agaton Uvero ng DTI Consumer Protection Group. Nangako naman na paiigtingin umano nito ang pagbabantay sa ganitong uri ng pananamantala.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

“Sa tulong ng hakbang na ito, mapapagaan ang kalagayan ng ating mga kababayan na lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine,” aniya.

Ayon pa kay Pangilinan, malaki rin daw ang maitutulong ng mga lokal na pamahalaan sa inisyatibong ito dahil sila ang magsisilbing mata para bantayan ang presyo at supply ng gulay sa kanilang mga nasasakupang lugar.