December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Mga botante, maawa sa sarili sey ni Ogie Diaz: 'Wag na kayo pauto at pabili!'

Mga botante, maawa sa sarili sey ni Ogie Diaz: 'Wag na kayo pauto at pabili!'
Photo courtesy: Ogie Diaz (FB)

May apela ang showbiz insider-TV host na si Ogie Diaz sa mga botante sa mga susunod pang parating na halalan, lalo na sa 2025 midterm elections.

Ginawang halimbawa ni Ogie ang isang collage ng mga larawang nagpapakita ng personal na pagtulong ni dating Vice President Leni Robredo sa tuwing may kalamidad, magmula 2006 hanggang ngayong 2024.

Kamakailan nga ay muling nag-viral sa social media ang pagsuong ni Robredo sa maputik na baha habang nagpapamigay ng relief goods sa kaniyang mga kababayan sa Naga City, na isa sa mga malubhang sinalanta ng bagyong Kristine at matinding pagbaha.

MAKI-BALITA: Robredo, sinuong baha sa pamimigay ng relief goods sa Naga

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Anang Ogie sa kaniyang Facebook post, sana raw bago bumoto ay i-check muna ang history ng isang kandidato kung marunong ba itong "bumaba" sa mga taong nangangailangan.

"Bago bumoto sa susunod na eleksyon, check nyo muna ang history, kung consistent na bumababa sa mga nangangailangan sa oras ng kalamidad," aniya.

"Pag di rin lang sila ganyan, wag nyo nang iboto. Utang na loob. Maawa kayo sa sarili nyo. Wag na kayo pauto at pabili," hirit pa ni Ogie.

Si Ogie ay isang Kakampink o isa sa mga celebrity na tagasuporta ng Leni-Kiko tandem noong nagdaang 2022 national elections.