January 23, 2025

Home BALITA

Gov. Villafuerte naglabas ng 'resibo,' ibinalandra ang boarding pass

Gov. Villafuerte naglabas ng 'resibo,' ibinalandra ang boarding pass
Photo courtesy: Bantay Nakaw Coalition (FB)/Gov. Luigi Villafuerte (FB)

Para matapos na raw ang mga ibinabatong isyu laban sa kaniya at sa kaniyang pamilya, ipinakita ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte ang boarding pass na nagpapatunay na nakabalik na sila sa CamSur mula sa Siargao noong Lunes, Oktubre 21, bago pa ang matinding pananalasa ng bagyong Kristine sa Bicol Region.

Matatandaang iniintriga kasi na habang binabayo ng bagyo ang rehiyon ay namataan pa raw sila sa Siargao ng kaniyang amang si CamSur 2nd District Rep. Luis Raymund "LRay" Villafuerte at siya, kasama pa ang kaniyang girlfriend na si Yassi Pressman.

Nauna nang pinabulaanan ni Cong. LRay ang mga alegasyong nasa Siargao pa sila nang mga sandaling naghihirap ang kanilang mga nasasakupan dahil sa epekto ng pananalasa ng bagyong Kristine.

MAKI-BALITA: Cong. Villafuerte, umalma sa isyung naglalamyerda sila sa Siargao habang may bagyo

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa kaniyang Facebook post noong Oktubre 24 ay naglapag na ng "resibo" si Villafuerte, na nakabalik na sila sa CamSur noong Oktubre 21.

"I would like to address the malicious rumor being peddled against me and my family. We started our tourism benchmarking with CamSur SK officials in Siargao on Saturday, October 19. We were already back from Siargao on Monday, October 21, contrary to what is being said that yesterday we were in Siargao and got stuck there. This is FAKE NEWS," mababasa sa pahayag ng gobernador.

"Since Monday, we have been conducting evacuation, rescue missions, and relief operations. We will make sure to reach out to more areas affected by heavy flooding the moment the water subsides enough for our rescuers’ safety as well."

"Now more than ever, everyone should focus on relief and recovery for CamSur, Bicol region, and the rest of the country affected by Typhoon Kristine."

"Here is my boarding pass for proof. This settles the issue. Thank you and God bless us all," dagdag ni Villafuerte.

MAKI-BALITA: Gov. Villafuerte, nagbigay ng updates sa relief at rescue operations sa CamSur