Maging si BINI member Maloi Ricalde ay nag-alala rin sa kalagayan ng pamilya niya sa Batangas na isa sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine.
Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Oktubre 25, sinabi niyang iniisip daw niya ang kalagayan ng kaniyang pamilya at mga kamag-anak.
"Worried po ako ngayon honestly kasi iniisip ko po ang kalagayan ng pamilya ko po, ang mga relatives ko po nasa Batangas. So, nakita ko po sa news na grabe po ngayon ang dinaranas ng mga tao sobrang hirap na hirap po sila ngayon,” saad ni Maloi.
"Hindi pa po namin sila nako-kontact pero ginagawan po namin ng paraan para puntahan po sila at maabutan po ng tulong. And ako po, tulad po ng sabi ko kanina, hangga't kaya ko pong tumulong, tutulong po ako," wika niya.
Dagdag pa niya: "Nabalitaan ko po sa parents ko po na 'yong tita ko po sila po mahirap i-contact. Hindi po nila maiwan ang bahay nila, malakas po ang hangin since malapit po sila sa dagat nakatira mahirap po talaga.”
Matatandaang nauna nang inihayag ng nation’s girl group ang pagnanais nilang tumulong sa mga nasalanta ng nasabing bagyo. Sa katunayan, nagbigay sila ng halagang ₱1milyon.
MAKI-BALITA: BINI, nakibahagi sa donation drive para sa mga apektado ng bagyong Kristine