November 22, 2024

Home BALITA

Sierra Madre, bahagya raw pinahina ang bagyong Kristine sa pagtama nito sa Isabela

Sierra Madre, bahagya raw pinahina ang bagyong Kristine sa pagtama nito sa Isabela
Photo courtesy: When in Rizal and DOST-PAGASA/Facebook

Muling nabuhay ang diskurso ng netizens tungkol sa “#SaveSierraMadre,” matapos nitong mapahina nang bahagya ang pagtama ng bagyong Kristine sa Isabela.

Ang Sierra Madre ang pinakamahabang mountain range sa bansa, na bumabaybay sa kahabaan ng probinsya ng Cagayan hanggang sa probinsya ng Quezon. 

Matatandaang nag-landfall ang bagyong Kristine sa Isabela nitong madaling araw ng Oktubre 24, 2024, kung saan kasabay nito ang pagsailalim ng buong probinsya sa Signal #3. 

Samantala, sa panayam ng ABS-CBN news kay Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head, Atty. Constante Foronda Jr., isinaad nito na napahina aniya ng bulubundukin ng Sierra Madre ang bagsik ng naturang bagyo.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“Blessed po kami ng Sierra Madre mountains, sa tingin ko po sinangga ng Sierra Madre yung ulan at hangin nitong si Kristine, binasag niya yung bagyo. We are enjoying a not so bad weather," saad ni Foronda.

Ayon din sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), unti-unti raw humina ang bagyong Kristine matapos ang naging unang landfall nito sa Isabela.

Inaasahang tuluyang makakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Kristine hanggang mamaya, Oktubre 25, 2024.

KAUGNAY NA BALITA: Kristine, papalabas na ng PAR; Leon, posibleng pumasok sa weekend

-Kate Garcia