November 24, 2024

Home BALITA National

‘Radikal na pagmamahal!’ Kiko, very proud sa paglusong ni Leni sa baha para tumulong

‘Radikal na pagmamahal!’ Kiko, very proud sa paglusong ni Leni sa baha para tumulong
Courtesy: Dating Senador Kiko Pangilinan; Egine Oquindo Baral via Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership (Facebook)

Very proud si dating Senador Kiko Pangilinan sa “radikal na pagmamahal” daw na ipinakita muli ni dating Vice President Leni Robredo sa bayan matapos nitong lumusong sa baha para mabigay ng relief goods sa Naga City, Camarines Sur.

Matatandaang nag-viral nitong Huwebes, Oktubre 24, ang larawan ng pagsuong ni Robredo sa maputik na baha para mamigay ng malinis na tubig at pagkain sa kaniyang mga kababayan sa Naga, na isa mga lugar na matinding naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine.

MAKI-BALITA: Robredo, sinuong baha sa pamimigay ng relief goods sa Naga

Ibinahagi naman ni Pangilinan ang naturang larawan ni Robredo sa isang Facebook post nitong Biyernes, Oktubre 25.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

“Ito ang dahilan kung bakit kahit iba ang plano ko nung 2022 ay tinanggap ko ang last minute na hiling nya na maging VP candidate nya,” ani Pangilinan sa kaniyang post.

“Dahil ang pamumuno nya na tapat at totoo ang dasurv ng mga kababayan natin.”Nagpasalamat din si Pangilinan sa patuloy daw na pagmamahal ni Robredo sa bayan, at nanawagan ng tulong para sa mga nasalanta sa Bicol Region.

“Salamat Ma’am sa iyong patuloy na radikal na pagmamahal sa bayan. Let us help Naga and other parts of Bicol region,” saad ni Pangilinan.

Matatandaang naging mag-running mate sina Robredo at Pangilinan noong 2022 national elections kung saan tumakbo sila bilang pangulo at bise presidente ng bansa.