November 22, 2024

Home BALITA Metro

Quezon City, isinailalim sa state of calamity

Quezon City, isinailalim sa state of calamity
(Photo: Mark Balmores/MB)

Isinailalim na sa state of calamity of Quezon City nitong Biyernes, Oktubre 25, dahil sa epekto ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na idineklara nila ang state of calamity sa lungsod dakong 10:00 ng umaga nitong Biyernes matapos ang rekomendasyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction & Management Office (QC DRRMO).

“Meron tayong mga nabalitaan na nabagsak na mga puno at debris na nagwash out at retaining walls na natumba,"  ani Belmonte.

"Itong state of calamity allows us to use our quick response fund which is 30 percent of the DRRMO fund at kalahati noon ay nagastos na natin because of Carina.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

“Pero ngayon ito wala naman masyadong effect or lives were lost pero we have some infrastructures na nabagsak and for garbage collection magdagdag ng mga truck para mabilis na makolekta ‘yung mga debris,” dagdag niya.

Base sa tala ng publication information office ng Quezon City, mahigit 2,500 pamilya ang inilikas sa evacuation centers matapos ang malawakang pag-ulan at baha dahil sa bagyo.

Samantala, matatandaang iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nakalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Kristine dakong 4:00 ng hapon nito ring Biyernes.

MAKI-BALITA: Bagyong Kristine, nakalabas na ng PAR