Nagsagawa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng aerial inspection sa mga bahagi ng Batangas, Cavite, at Laguna na naapektuhan ng bagyong Kristine.
Sa isang Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes, Oktubre 25, ibinahagi nitong nagsagawa si Marcos ng aerial inspection upang masuri ang lawak ng pinasala ng Severe Tropical Storm Kristine sa nasabing tatlong lalawigan.
“Saklaw ng inspeksyon ang Pasig sa National Capital Region, Laurel, Lipa, Lemery, Nasugbu sa Batangas, at Noveleta sa Cavite,” dagdag ng PCO.
Samantala, sa ginanap na press briefing sa Malacañang nito ring Biyernes na inulat ng Manila Bulletin, sinabihan ni Marcos ang mga opisyal ng pamahalaan na isipin ang kalagayan ng mga nabiktima ng bagyo tuwing nakararamdam sila ng pagod.
“Just remember there are people still in water right now, they are still flooded. They’re walking around in water up to their waist. They have no water supply, they have no food, they have no place to stay. So, if you think you are tired, think about what their condition is,” ani Marcos.
“So, let’s keep that always in mind,” saad pa niya.
Nakalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Kristine dakong 4:00 ng hapon nitong Biyernes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
MAKI-BALITA: Bagyong Kristine, nakalabas na ng PAR