October 31, 2024

Home BALITA National

Pasaring ni Roque sa flood control project, pinuna ng netizens: ‘Stay strong in hiding, sir’

Pasaring ni Roque sa flood control project, pinuna ng netizens: ‘Stay strong in hiding, sir’
Photo courtesy: Harry Roque, Michelle T. Ricasio,/Facebook

Umani ng samu’t saring reaksiyon ang naging Facebook post ng ‘nagtatagong’ si Atty. Harry Roque, tungkol sa umano’y pondong laan daw sa flood control project sa Bicol region.

Sa kaniyang opisyal na Facebook account nitong Huwebes, Oktubre 24, iginiit ni Roque na mayroon daw ₱9.4 bilyong flood control project para sa Bicol noong 2023.

“Bicol stay strong ₱9.4 billion po ang flood control projects sa inyo noong 2023,” ani Roque.

Matatandaang Oktubre 22 nang maramdaman ng Bicol region ang hagupit ng bagyong Kristine, kung saan ilang residente ang na-trap sa kanilang mga tahanan dahil sa malawakang lampas taong pagbaha.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

KAUGNAY NA BALITA: Mga residente sa Bicol region, stranded dahil sa malawakan at lampas-taong pagbaha

Bumuhos din ang ilang donasyon para sa buong Bicol region, katulad na lamang ng relief operation at donation drive ng Angat Buhay at Kaya Natin, nakalikom ng tinatayang ₱4M sa loob lamang ng 10 oras.

KAUGNAY NA BALITA: Angat Buhay, Kaya Natin, nakalikom ng ₱4M sa loob ng 10 oras

Samantala, kaugnay ng naturang post ni Roque, inulan ito ng iba’t ibang komento mula sa netizens.

“Stay strong….. in hiding sir. Laban lang.”“Sana yung ipapataw sayong pabuya kung sakali man ipang tulong na lang sa mga na apektuhan ng bagyo.”“Sa panahon ng sakuna ganyan ka pa rin???”

“Anong drama mo Mima?”

“San ka boss?”“Thank you po Strong po tlaga kmi atty Harry ikaw po be strong sa mga hearing mo.”

Tila may ilang netizens din ang nagtaka sa umano’y bilyong halaga ng naturang flood control project na tinutukoy ni Roque.

“Nasaan ang proyekto?!?”

“Sino ba binigyan ng flood control na yan?”

“Ang Laki Pero Parang Wala Naman Nakitang Ganyan na budget.”

“Grabi Ang laki ng flood control na saan kaya??”

“Atty naitae na po nila ang budget at ‘yung natira pinang bayad sa LV.”

“Drawing daw ang flood Control project.”

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang national government, hinggil sa nasabing flood control project na tinutukoy ni Roque sa kaniyang Facebook post.

KATE GARCIA