January 11, 2025

Home FEATURES

Novellino Wines, tamis ng tagumpay!

Pinatuyan ni CEO at Founder ng Novellino Wines na si Vicente ‘Nonoy’ Quimbo na tama ang kanyang desisyon na pasukin ang wine making business dito sa Pilipinas noong 1999.

Mula daw sa umpisa, ramdam na ni Nonoy ang tagumpay ng kanyang wine brand. Ito ang idiniin niya sa mismong 25th anniversary celebrations ng kanyang kumpanya na ginanap sa winery nito sa Calamba, Laguna nitong Martes, October 17.

Aminado siya na marami ang kumuwestyon sa kanyang desisyon dahil hindi popular ang wine drinking sa bansa. Pero dahil buo ang kanyang loob, sinuong niya ang kanyang pagnenegosyo sa paggawa ng alak. Malaking tulong ang kanyang naging karanasan sa beverage industry. At ito ang ginawa niyang business pattern sa wine making.

Alam niya na mahilig sa matamis na pagkain ang mga Pinoy. Kaya naman kuha niya ang timpla ng wine na swak sa panlasa ng mga Pinoy - sweet and rich taste. Mas mabusisi ang paggawa nang sweet wines.

Trending

Babaeng pumasa sa board exam, nilista jowa sa aattend ng oath taking kaysa sa sariling ama

Ipinakita ito mismo nang President at General Manager ng Novellino Wines na si Chris Quimbo sa media at mga guest nang isama niya ang mga ito sa loob ng winery. Limang proseso ang dinadaanan para makuha ang sweet at rich taste na timpla ng Novellino wine. Una, ang fermentation kung saan pinoproseso ang grape juice sugars para maging alcohol at carbon dioxide.

Pangalawa, ang Centrifugation. Ito ang proseso na sinasala at inaalis ang yeasts, gamit ang state of the art Alfa Laval centrifuge mula sa Sweden. Isa ang Novellino sa mga winery sa buong Asya ang may ganitong modern equipment.

Pangatlo ay ang three-stage micro filtration process that removes debris as .45 microns, ensuring pure liquid wine. Pang-apat ay ang Chilling process na cooling of wine to 0 to -2°C. At ang panghuling proseso ay ang bottling of wine. Each bottle is capped, corked, dry sealed and packed into boxes for distribution. 

“We really want to have a sustainable company to meet the increasing demands of the market.” pahayag ni Nonoy. “We have already captured the hearts of the Filipinos. And this time, we want to make the brand known globally.”

Samantala, ipinagmalaki ni Nonoy na katuwang niya ang kanyang dalawang anak sa pamumuno sa kanilang family-owned business. Si Chris Quimbo ang tumatayong President at General Manager habang si Carlos Quimbo naman ang Director at Chief Strategy Officer ng Novellino. Kaya kampante ang Quimbo patriarch na lalong mapapalawak ng kanyang mga anak ang wine making sa bansa. At magpapatuloy ang kanyang misyon na gawing wine drinkers ang mga Pinoy.

Sa ngayon, may 17 variants na ang Novellino; dalawa dito ay non-alcoholic wines. At hindi na lang tuwing Pasko ito naaalala. Sabi nga ni Chris Quimbo, “Novellino has made winemaking, drinking, and appreciation part of the growing cultural movement in the Philippines.”

“We take pride in the workmanship and craftsmanship involved behind every Novellino bottle. A big toast to Novellino!” pagtatapos ni Nonoy.