January 22, 2025

Home BALITA National

Kristine, papalabas na ng PAR; Leon, posibleng pumasok sa weekend

Kristine, papalabas na ng PAR; Leon, posibleng pumasok sa weekend
Courtesy: PAGASA/FB

Papalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Kristine ngayong Biyernes, Oktubre 25, habang inaasahan namang papasok sa weekend ang binabantayang bagong bagyo na pangangalanang “Leon”, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa update ng PAGASA kaninang 11:00 ng umaga, huling namataan ang Severe Tropical Storm Kristine 255 kilometro ang layo sa West Northwest ng Bacnotan, La Union o 255 kilometro ang layo sa West Southwest ng Sinait, Ilocos Sur.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-West northwestward sa bilis na 15 kilometers per hour.

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget

Nakataas pa rin naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa mga sumusunod na lugar:

SIGNAL NO. 2

Luzon:

Northwestern portion ng mainland Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Abulug, Pamplona)

Babuyan Islands

Nueva Vizcaya

Apayao

Abra

Kalinga

Mountain Province

Ifugao

Benguet

Ilocos Norte

Ilocos Sur

La Union

Pangasinan

Nueva Ecija

Tarlac

Pampanga

Zambales,

Northern portion ng Bataan (Morong, Hermosa, Dinalupihan, Bagac, Orani, Samal, Abucay, City of Balanga)

SIGNAL NO. 1

Luzon:

Metro Manila

Batanes

Mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan

Isabela

Quirino

Aurora

Bulacan

Mga natitirang bahagi ng Bataan

Cavite

Batangas

Laguna

Rizal

Quezon

Occidental Mindoro

Oriental Mindoro

Marinduque

Romblon

Northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, San Vicente, Dumaran, Araceli) kabilang na ang Calamian, Cuyo, at Kalayaan Islands

Camarines Norte

Camarines Sur

Burias Island 

Visayas:

Northern portion ng Aklan (Buruanga, Malay, Nabas, Ibajay)

Northern portion ng Antique (Libertad, Pandan) kabilang na ang Caluya Islands

Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyong Kristine mamayang hapon o gabi.

Samantala, anang PAGASA, posible namang pumasok sa PAR ang binabantayan nilang bagyo na huling namataan 2,235 kilometro ang layo sa silangan ng Eastern Visayas.

Taglay ng nasabing tropical depression ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 20 kilometers per hour, kung saa inaasahan itong makakapasok ng PAR sa weekend.

Kapag nakapasok na ng PAR, pangangalanan ang bagyo na “Leon” at ito ang magiging ika-12 bagyo sa bansa ngayong 2024.