November 23, 2024

Home BALITA National

Drug den, natagpuan sa Malacañang compound; suspek, arestado

Drug den, natagpuan sa Malacañang compound; suspek, arestado
(file photo)

Ni-raid ng National Bureau of Investigation-Dangerous Drugs Division (NBI-DDD) ang isang drug den sa Malacañang compound kamakailan, na nagresulta sa pagkaaresto ng isang lalaking suspek.

Sa isang pahayag, sinabi ng NBI na nahuli nila ang suspek na si Edgard Ventura, alyas 'Face,' sa Nicanor Padilla Street, San Miguel sa Maynila sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 37.

Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance, na hinihinalang illigal na droga, at iba pang drug paraphernalia.

Sa pag-aresto sa suspek, natagpuan din ng NBI ang isang drug den sa naturang lugar.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukod dito, 15 katao pa ang natagpuan sa drug den at sila ay isasailalim sa drug tests. 

Ayon sa NBI, isinagawa nila ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang DDD na may nagngangalang Francisco Soriano Jr. a.k.a. 'Juntot' and alias ‘Face’ ay nagbebenta ng iligal na droga partikular ang methamphetamine hydrochloride o shabu at nangangasiwa ng isang drug den sa Malacañang compound. 

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. 

Samantala, pinuri ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang NBI-DDD, Presidential Security Group (PSG), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkakahuli sa suspek. 

"We call on law enforcement to relentlessly pursue the capture of his accomplices, who remain at large. Moreover, we ask for the full cooperation of all citizens in this ongoing investigation," aniya nitong Huwebes, Oktubre 24.

Dagdag pa niya, "Let it be known: no corner of this land, no matter how remote or concealed, will serve as a refuge for the producers and distributors of these lethal substances. The full, unforgiving weight of the law will always descend upon them."