Inanunsiyo ng isang bookshop sa Naga ang kanilang pansamantalang pagsasara matapos silang pasukin ng baha dahil sa bagyong Kristine.
Sa Facebook post ng Savage Mind: Arts, Books, Cinema nitong Huwebes, Oktubre 24, sinabi nilang ito raw ang ikalawang pagkakataong nakaranas sila ng flooding incident ngayong taon.
“This is in fact our second flooding incident for the year, with less than two months to recover, and despite our preparations for Typhoon Kristine, we were just overwhelmed by the 15 feet high waters that inundated our space,” saad ng Savage Mind.
Ayon pa sa kanila, nasa lowest point din daw sila ng kanilang buhay ngayon tulad ng mga kapuwa nila Bikolano.
“We will be updating you with our situation as we begin our inventory and assessment of losses. Books, important archival materials, and art works have all been destroyed,” anila.
Kaya naman, nagpasalamat sila sa lahat ng mga nagpaabot ng dasal at pakikiisa sa kanilang pinagdadaanan lalo na sa mga kapuwa manlilikha, kaibigan, at maging sa mga benefactor.
“We will keep you posted and we hope that everyone finds that little ray of hope as we face the coming days,” pahabol ng Savage Mind.
Ang Savage Mind—na itinuturing bilang creative heart ng Naga City—ay itinatag noong 2018 ng manunulat, tagapagsalin, at filmmaker na si Kristian S. Cordero.