Nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Kristine ngayong Biyernes ng hapon, Oktubre 25.
Sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakalabas ng PAR ang Severe Tropical Storm Kristine dakong 4:00 ng hapon.
Huli itong namataan 365 kilometro ang layo sa kanluran ng Bacnotan, La Union.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Kimikilos ito pa-west northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.
Samantala, lumakas naman at naging tropical storm ang binabantayan ng PAGASA na bagyo sa labas ng PAR na may international name na “Kong-rey.”
Huling namataan ang bagyo 2,410 kilometro ang layo sa silangan ng Southeastern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Kimikilos ang bagyo pa-northwest sa bilis na 35 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, posibleng pumasok sa loob ng PAR ang bagyo sa weekend at pangangalanan itong bagyong “Leon.”
Ito naman ang magiging ika-12 bagyo sa taong 2024.